Vilma Santos, sumikat dahil kay Nora Aunor!

ADVERTISING

Vilma Santos, sumikat dahil kay Nora Aunor!

Vilma Santos, sumikat dahil kay Nora Aunor!OLA CHIKKA now na! Oh, no… oh, yes… now na! Pak na pak na naman tayo kaya naman don’t make your Monday a blue Monday. Bonggacious ang mga eksenang chikka today dahil maloloka kayo sa Earth for more chikka more fun to the maximum authority of chikka.

Go sa go na sa mga chikka, dahil kaloka naman ang mga Vilmanians. Nabuhay na naman at pilit nilang ipinaglaban ang kanilang idolo, na dapat ang kanilang iniidilo ang bigyan ng award na National Artist. Take note, Vilmanians lend me your ears. Walang Vilma kung hindi kay Nora Aunor. Natatandaan n’yo nu’ng kapanahunan ng Oras ng Ligaya ni Tony Santos, Sr. way back 60’s? Channel 3, sina Oscar Obligacion at Sylvia La Torre, Eddie Peregrina, kung saan nanalo si Nora Aunor sa Tawag ng Tanghalan kinuha ni Tony Santos, Sr.

Sa Oras ng Ligaya, nag-umpisa ang kasikatan ni Nora Aunor at iniwan niya ang nasabing show. Sa galit ni Tony Santos, Sr., naghahanap ng ipapalit kay Nora, pinahanap nito si Vilma Santos na bida sa Trudis Liit. Nahanap ito ni Tony at sobrang build-up ang ginawa kay Vilma, at binigyan pa ng show na ‘D Sensations dahil si Nora ay may Nora-Eddie show na ito ang dating sikat na si Eddie Peregrina.

Dito nag-umpisa ang rivalry ng Noranians at Vilmanians. Nu’ng namatay si Eddie sa accident, naging Superstar na ang show ni Nora, at dito siya naging phenomenal. Si Vilma, nagkaroon din ng Vilma show sa Metropolitan Theater.

ADVERTISING

Nagkaroon din ng Guy and Pip at sa Vi and Bot. Lagi na sila nagtatapatan. Kung may pelikula si Nora, mayroon din si Vilma.

Tulad ngayong guma-gawa si Guy ng indie film na sa Tawi-Tawi ang shooting na idiniderek ng magaling na si Brillante Mendoza, gagawa rin daw si Vilma ng indie film.

Kaya ang masasabi ko, laging poor 2nd lang talaga si Vilma. Ngayon, sa National Artist, mas pabor ako na mauna na muna si Dolphy kay Nora. At please, Nora muna bago Vilma. Say mo Albert Sunga?

Kaya mga Noranians, magsigising kayo, ‘wag na ‘wag n’yong pabayaan ang idolo n’yo. Pak na pak tayo kapag nauna si Ate Guy, ‘yun na!

 

BLIND ITEM: Sino siya? Sino kaya itong ibang klase sa pagka-attitude problem? Hindi kinakaya ng mga kaparazzi natin, maloloka ka sa Earth!

Kasi ibang klase talaga ito kung umarte, lalo na ang dami niyang nakakaaway ngayon na mga staff nila, lalo na ang mga scriptwriter. Kasi naman, ‘yung mga nasa script niya, hindi niya sinasabi, kaya iba ang nasasabi niya. Naku naman, ‘teh… kumusta ka naman d’yan?

Kaya marami ang nagagalit sa ‘yo, bilang na lang ang natutuwa sa ‘yo. Kaya kung ako sa ‘yo, nag-iisip-isip na ako at magpapakabait naman ako paminsan-minsan.

Dahil ngayon pa nga ay may nagpapakuha raw ng pic sa kanya, ayaw raw niyang magpakuha at bawal ang lumapit sa kanya. Haha! Naku, ‘teh, ikaw na!!!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

ADVERTISING