Vilma Santos, sobrang bilib sa kakaibang style ni Direk Joyce Bernal

Vilma Santos, sobrang bilib sa kakaibang style ni Direk Joyce Bernal

Vilma-SantosSobrang bilib si Governor Vilma Santos kay Direk Joyce Bernal. Ayon sa kanya, kakaiba raw magdirek ito. Mayroon siyang sariling style kung papa’no niya idinidirek ang kanyang mga artista. Nu’ng first day shooting niya with Xian, magkahiwalay silang minotivate ni Direk Joyce. Pagdating sa eksenang kukunan, saka lang sila nagkikita-kita.

“Nawawala ‘yung familiarity. So, sa aming mga artista, kay Xian, kay Gel (Angel Locsin), malaking bagay ‘yung motivation ang tumutulong sa amin para magawa namin ‘yung character na mas tama du’n sa roles na ginagampanan namin,” kuwento ng Star For All Seasons.

Hanggang ngayon, hindi nawawala ang respeto at paghanga ni Angel kay Ate Vi. Ngayon pang nagkasama sila sa pelikulang “Evrything About Her”. Puro papuri ang madalas sabihin ng actress sa kanyang future mother-in-law. First time silang nagkasama sa isang pelikula. Super close na kaya sila dahil boyfriend niya si Luis Manzano?

“Hindi ko masabing close na kami, pero ang bait ni Tita (Vilma), sobrang ang bait niya kahit off-cam, kahit kami-kami lang ang magkakasama, ganu’n pa rin ‘yung kabaitang ipinakikita niya sa lahat ng tao,” sabi ni Gel (tawag ni Ate Vi kay Angel).

“Palagi ko nga sinasabi kay Direk Joyce, okay pa ba? Sobrang starstruck ka nga, tapos nakahilera pa ‘yung pangalan (poster & billboard) mo siyempre, napakalaking bagay ‘yun, tapos nakaka-eksena mo pa. Buti na lang nagkaroon ako ng director na nakatutok talaga sa bawat eksena namin ni Tita (Vilma). Hindi nahihiya si Direk Joyce na pagsabihan ako, ‘Angel ayaw ko ‘yan, ayaw ko ng magandang iyak, gusto ko mas jologs pa, gusto ko mas natural. Huwag mo akong artehan, huwag mo akong bigyan ng acting na acting, hindi ito drama.’ Ang hirap kasing makakawala sa nakaugalian kong technique, so nagpapasalamat ako kay Direk Joyce. Hindi ko masasabing forte ko na ito, gusto ko namang magbukas ng ibang atake naman sa acting, dahil ‘yun kay Direk Joyce. Ipakikita sa pelikulang ito, hindi ko magagawa kung walang gabay si Direk Joyce,” pahayag ni Angel.

Sa pelikulang Something About Her, lumabas ang the other side of Vilma Santos, ang pagiging mataray. Say ng magaling na actress, “Dahil ‘yun kay Direk Joyce Bernal. To be honest, palagay ko, isa si Direk Joyce na masasabi nating isa sa kakaunting mga director na magaling mag-motivate ng artista. One perfect example, si Jaica (Angel), hindi kami masyadong magkasundo. Si Direk, kapag dumarating kami sa set, ayaw niya kaming nag-uusap sa isa’t isa. Bawal munang magkita, mag-usap, ganu’n siya mag-motivate. Mukha siyang bago para sa akin.”

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield