Vilma Santos-Recto, walang balak kumandidato sa 2016

ADVERTISING

Vilma Santos-Recto, walang balak kumandidato sa 2016

Vilma-SantosSA AMING radio show sa Radyo Inquirer na Wow It’s Showbiz every Monday to Friday, 3-5pm, naibalita sa amin ng aming radio reporter from Senate na si Chona Yu na hindi na raw tatakbo sa anumang posisyon sa pulitika ang governor ng Batangas na si Ms. Vilma Santos-Recto.

Ang balitang ‘yon ay galing mismo sa bibig ni Senator Ralph Recto. Mas gusto raw ni Senator Recto na maging presidente si Gov. Vilma Santos.

Yes, maging presidente ng mga Senior Citizen ang gusto ni Senator Ralph para kay Vilma.

At kung mangyayari nga ang gusto ni Senator para kay Ate Vi, sigurado nga raw na pinakamagandang presidente ng mga senior citizen ang kanyang asawa.

ADVERTISING

Ayon pa kay Senator Recto, gusto rin niyang magpakasal muna itong si Luis Manzano sa kanyang girlfirend na si Angel Locsin bago ito sumabak sa pulitika.

So, walang magaganap na pagtakbo sa taong 2016.

by Fernan de Guzman
Fer ‘Yan Ha?!

ADVERTISING