Vilma Santos past and present, magka-tiket sa eleksiyon

ADVERTISING

Vilma Santos past and present, magka-tiket sa eleksiyon

Vilma-SantosKAMAKAILAN AY ipinroklama na rin ng independent party sa pangunguna ng tambalang Senators Grace Poe at Chiz Escudero ang hanay ng kanilang senatorial bets.

ADVERTISING

Tatlo roon ang mga umani ng aming atensiyon.

Una, si Manila Vice Mayor Isko Moreno. Bilang oposisyon, bakit hindi siya umanib sa UNA? Is it because na ang kakampi niyang si Mayor Erap Estrada is a silent supporter of Grace dahil nga sa pagkakaibigan nito kay FPJ?

Tutuhugin na namin ang ikalawa at ikatlo sa katauhan nina Edu Manzano at Senator Ralph Recto? Mahalagang papel din ang ginagampanang papel ni Batangas Governor Vilma Santos since naging malapit din siya sa pamilya ni FPJ.

ADVERTISING

Since expected naman ang presensiya ni Ate sa mga campaign sorties (mas may time siya kahit kongresista ang tinatakbuhan niya), ‘ika nga, hitting two birds with one stone ‘yon in favor of the past and present men in her life.

Siyempre, may suporta rin mula kay Luis Manzano para sa kanyang ama, damay na rin ang kanyang Tito Ralph.

Expect a star-studded campaign trail!

 

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

ADVERTISING