Vilma Santos, pamilya ang dahilan kaya ‘di tatakbo sa mataas na posisyon

ADVERTISING

Vilma Santos, pamilya ang dahilan kaya ‘di tatakbo sa mataas na posisyon

Vilma-SantosNaging una para sa Star for all Seasons na si Batangas Governor Vilma Santos-Recto ang pagtutok sa kanyang pamilya, pangalawa ang showbiz para sa kanyang katiyakan ng desisyon sa pagtakbo sa darating na eleksiyon. Kaya ang pagiging congresswoman na lang sa lone district ng Lipa City ang kanyang inasinta, kesa inaasahan sa kanya ng marami na sa mas mataas na posisyon siya kakandito ‘tulad ng pang-eengganyo sa kanya na tumakbong vice president.

“Noong i-give up ko ang variety show ko na ‘Vilma!’ sa GMA 7, mahirap iyon para sa akin dahil mahal ko ang programa. Pero isa sa dahilan noon, baka hindi na ako magkaanak kung lagi akong magsasayaw. Ngayon, pamilya pa rin ang dahilan, kaya hindi ako nag-ambisyon sa mas mataas na posisyon. Kasi, naroon na si Senator Ralph Recto. Paano na lang si Ryan Christian kapag umuwi? Wala sa house ang mommy’t daddy niya. Kailangan ding may panahon ako sa pamilya ko,” wika ni Gov. Vi.

Samantala, sa pagtatapos ng huling termino ni Gov. Vi bilang governor ng Batangas, napaka-positive ng nangyari, na pagkatapos ng naging tapatan sa eleksiyon dati nila ng yumaong dating governor ng Batangas na si Gov. Arman Sanchez, ang “Ala Eh Festival” ay idaraos sa bayan ng Sto. Tomas, Batangas ngayong December 1-8, 2015 sa pagdiriwang ng 434th founding anniversary of the Province of Batangas. Ang mayor ngayon sa nasabing bayan ay si Mayor Edna Sanchez na wife ng yumaong dating governor.

ChorBA!
by Melchor Bautista

ADVERTISING
ADVERTISING