Vilma Santos, naiinip na sa kasalang Luis-Jessy!

ADVERTISING

Vilma Santos, naiinip na sa kasalang Luis-Jessy!

Vilma Santos, naiinip na sa kasalang Luis-Jessy!
Jessy Mendiola and Luis Manzano

NAGING viral sa internet ang video lambingan ng magsing-irog na mag-future husband and wife na sina Luis Manzano at Jessy Mendiola tungkol sa pinaguusapan nilang “theme” na sa diretsahang salita ay “theme” ng kanilang kasal.

Bitin ang mga netizen sa naipost na video ng actor-TV host na matagal na rin naman inaabangan ng mga fans nila kung kailan magaganap ang bonggang pag-iisang dibdib ng dalawa.

 Sa interview kay Congresswoman Vilma Santos ni Mario Dumaual ng TV Patrol,  maging siya bilang ina ng future husband ay naiinip na rin para maging “official “mother in law” na siya ni Jessy.

“Iniintay ko rin. Kaya Luis, Jessy, they’re very happy, very happy,” pahayag nito sa panayam.

ADVERTISING

Dagdag pa ni Ate Vi sa kanyang mensahe kay Luis: “Basta si nanay, andito lang anak, kung kailan nyo na gusto, andito lang ako. Wala naman akong tutol,” pahayag ng future mother in law ni Jessy.

 

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING