Vilma Santos, minamaliit ni Kris Aquino pagdating sa Inglesan? – Ambet Nabus

ADVERTISING

Vilma Santos, minamaliit ni Kris Aquino pagdating sa Inglesan? - Ambet Nabus

Vilma Santos, minamaliit ni Kris Aquino pagdating sa Inglesan? - Ambet NabusNAG-UUSAP NA NGAYON ang representatives ng Star Cinema at isang Hollywood-based production tungkol sa lifestory ng yumaong Tita Cory Aquino na mala-Gandhi raw ang dating.

ADVERTISING

Isa nga iyan sa mga exciting items na ibinalita ni Kris Aquino during her launch as the newest endorser of 555 tuna products.

In fact, inamin pa niyang lahat silang magkakapatid ay nag-iilusyon na at ang roles na gaganap as themselves ay sina Jodi Sta. Maria, Angelica Panganiban, Bianca Gonzales, Kim Chiu o Anne Curtis at ni John Lloyd Cruz if ever na ito’y matutuloy.

Sa dami nga raw ng possibilities ay puwede ring sina John Lloyd at Bea Alonzo ang gumanap na Ninoy Aquino at Cory during their teen years. Pero inamin din ni Kris na sa simula pa lang sana ay sina Judy Ann Santos at Piolo Pascual ang wish nilang gumanap nito pero tila napaka-imposible na raw nitong mangyari.

ADVERTISING
[ad#post-ad-box]

At dahil buhay ng yumaong ina ang pinag-uusapan, nakikita raw niyang higit na bagay kay Sharon Cuneta ang early days nito as President kesa kay Vilma Santos.

Ang rason na ibinigay ni Kris ay dahil sa good command ni Shawie in English language at maaaring sa iba pa gaya ng French language.

Nakakaloka talaga ang pagiging taklesa nito considering na isang ‘icon’ sa pagganap ang tila minemenos niya pagdating sa pagsasalita ng English?

Anyway, kilala naman naming magaling bumawi si Kris kaya’t nang itanong namin kung bakit hindi na lang siya ang gumanap bilang ang yumaong ina niya ay sinagot nitong hindi siya kailanman puwedeng maging si Cory Aquino, for the very obvious reason na exact opposite sila.

At dahil bano rin daw siya as an actress, never na magiging challenge sa kanya ang pag-aralang maging aktres siya sa tunay na kahulugan!

‘Yun na!!!

Bakit ba parang pinagsasabong ng ilan sina Kim Chiu at Sarah Geronimo?

Magkaibang-magkaiba ang kanilang mga career paths at alam naman ng lahat na mas maraming achievements bilang multi-media superstar si Sarah.

Pinuri kasi ni Kristeta si Kim at namimis-interpret lang marahil ng ilan ang sobrang adjectives na ibinibigay nila sa young actress. In fairness naman sa dalaga ay marunong din itong magpahalaga sa mga papuri sa kanya.

Fan naman kami ni Sarah as a singer and as an actress at patuloy kaming naniniwala na given more good roles, eh, siya na talaga ang susunod na reyna.

Mas maganda nga kung magkakasama sa isang project ang dalawa. Kahit naman si Gerald Anderson ay siguradong sasang-ayon na pangarap din niyang makatrabaho ang isang Sarah Geronimo, ‘di ba?

Showbiz Ambus
by Ambet Nabus

ADVERTISING