Vilma Santos, may kundisyon bago sila magsama ni Nora Aunor sa indie movie

ADVERTISING

Vilma Santos, may kundisyon bago sila magsama ni Nora Aunor sa indie movie

Vilma Santos, may kundisyon bago sila magsama ni Nora Aunor sa indie movieVILMA SANTOS welcomes the idea of working anew with Superstar Nora Aunor.

“Kung mabibigyan kami ng magandang script I don’t think magiging problema ‘yon,” sabi niya sa  presscon for Ekstra.

“It’s not the first time (na) magsasama (kami) ni kumare ko, ni Ate Guy”, citing Ikaw Ay Akin as her last movie with Nora before T-Bird at Ako.

Kung matutuloy ang pagsasama nila sa isang indie film ay may isang requirement lang si Vilma – a good script.

ADVERTISING

Vilma Santos, may kundisyon bago sila magsama ni Nora Aunor sa indie movie“Sa edad namin ngayon… sa tinagal-tagal namin sa industriya, sa palagay ko hindi naman dapat mapahiya kaming dalawa,” paliwanag pa niya.

Nang may magtanong sa kanya kung ano na ang nangyari sa indie offer ni Direk Brillante Mendoza na pagsasamahan nila ni Nora at Coco Martin, sinabi ni Vilma na wala siyang natanggap na script.

“Pinuntahan ako ni Direk Brillante, binanggit niya sa akin ‘yan but the thing is, isa lang naman ang sinabi ko, ‘Direk walang problema. I need the script’. Pero hanggang ngayon wala pa rin namang script.”

Nagwagi si Ate Vi ng best actress sa katatapos na Cinemalaya Awards Night after she played the role of Loida Malabanan, a movie and TV extra.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING