Vilma Santos, mas type pa rin si Angel Locsin kaysa kay Jessy Mendiola para kay Luis Manzano

ADVERTISING

 alt=

Vilma Santos
Vilma Santos

Gaano katotoo ang nasagap naming balita na mas gusto pa rin umano ni Vilma Santos si Angel Locsin kaysa kay Jessy Mendiola para sa kanyang anak na si Luis Manzano?

May mga insidente umano na hindi naging maganda ang paghaharap nina Vilma at Jessy.

Ayon sa tsika, sa kagustuhang makilala nang lubos ni Vilma ang bagong nauugnay kay Luis, nag-set umano siya ng dinner para sa kanilang tatlo nina Luis at Jessy. Ang siste, dismayado umano si Vilma dahil hindi niya nakukuha ang sagot mula kay Jessy sa tuwing tatanungin niya ito habang nagdi-dinner sila. Sabat nang sabat daw kasi si Luis at siya raw ang sumasagot sa mga tanong na para kay Jessy.

Pero dahil wais si Vilma at gusto niyang makausap nang masinsinan si Jessy, muli siyang nag-set ng dinner na silang dalawa lang ni Jessy. Alam niya rin kasi na matatanong at matatanong siya tungkol sa kanyang impression kay Jessy, at alam din niyang kailangan niyang magkaroon ng totoo at tapat na sagot.

ADVERTISING

Ayon pa sa tsika, maagang dumating sa venue si Vilma. Nagulat na lang siya nang may dalawang bodyguards na naunang pinapunta sa area, at makalipas ang ilang minuto, dumating si Jessy na may kasama pang ibang bodyguard. Hindi umano mapakali si Vilma, dahil ang daming taong nakatingin kay Jessy. Dismayado na naman, halos kinse minutos lang umanong nakipagtsikahan si Vilma kay Jessy at nagpaalam na rin siya agad.

Samantala, matapos makipagkita kay Jessy, nag-set na naman umano ng date si Vilma kay Angel. Kumustahan lang umano. Pumayag naman si Angel, at mas maraming oras umano silang nagkuwentuhan, nagtawanan, at nagtsikahan ng mga huling kaganapan sa kanilang buhay.

Doon daw umano napag-isip-isip ni Vilma na sa kanyang puso, gusto pa rin niya si Angel para kay Luis.

Danny’s Law
by Danilo Jaime Flores

ADVERTISING