Vilma Santos, inaming naging problem child si Luis Manzano

ADVERTISING

Vilma Santos, inaming naging problem child si Luis Manzano

Luis-Manzano-Vilma-Santos-RectoNaungkat sa presscon ng “Everthing About Her” na pinagbibidahan nina Vilma Santos, Angel Locsin, at Xian Lim ang naging problema niya kay Luis Manzano noong hindi pa ito pumapasok sa showbiz.

Nagpakatotoo lang si Ate Vi nang tanungin kung nagkaroon ba siya ng problema noon sa naging anak nila ni Edu Manzano.

Diretsahang sinabi ni Ate Vi na, “yes” naging problem son si Luis noon. Hindi ko alam kung tumikim ng drug ang anak ko. Pero dahil sa pagmamahal ninyo (press) sa akin na laging nandiyan kapag may nakita kayong maling ginawa si Luis, kaagad ninyong itinatawag sa akin.

“Salamat po sa lahat ng nakaunawa dahil hindi ninyo hinayaang isulat ito sa inyong column. Sa halip ay itinatawag ninyo sa amin para magawan ng aksyon.

ADVERTISING

“Tulad ng ginawa ni Tita Ethel Ramos na tatawag sa akin para sabihin na nandito si Luis, lasing. Salamat Tita Ethel,” patuloy na tsika pa ni Ate Vi.

Ayon pa kay Ate Vi, hindi raw kasi alam ni Luis Manzano kung anong landas ang tutunguin niya at that time.

“Pero now, I’m very proud of Luis. Naging maayos ang buhay dahil sa mga pagsubok na pinagdaanan,” say pa ni Ate Vi.

Going back sa movie nila ni Angel Locsin, totoo na hindi sila nagpapansinan at nagkikibuan ni Angel sa set ng shooting ng “Everything About Her”.

“Gusto kasi ni Direk Joyce (Bernal) na ‘di maging comfortable kami ni Gel sa set. Ang role kasi namin dito ay isang mabagsik ba matatawag ang character ko, samantalang si Gel ay lalabas na nurse na siyang mag-aalaga sa akin.

“May instance pa nang dumating si Gel sa set ay lumapit sa akin para humingi ng sorry dahil ayaw ni Direk Joyce na maging close kami sa set.

“Sabi ko, sige huwag ka nang lumapit. Doon ka na. At tama naman si Direk dahil nang eksena namin ay naging natural ang mga eksena. Ang galing mag-motivate ni Direk Joyce. Gusto ko siyang maging kaibigan,” pahayag pa ni Ate Vi.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING