Vilma Santos, inalala kung paano sinabi kay Luis Manzano ang paghihiwalay nila ni Edu

SA ISANG pambihirang pagkakataon ay binalikan ni Vilma Santos-Recto ang araw na sinabi nila sa noon ay four years old pa lang na si Luis ‘Lucky’ Manzano na maghihiwalay na sila ni Edu Manzano.

Ito ang sinariwa ng Star for All Seasons sa vlog channel ng kanyang panganay na anak, kung saan kasama rin ang kanyang daughter-in-law na si Jessy Mendiola.

Vilma Santos, inalala kung paano sinabi kay Luis Manzano ang paghihiwalay nila ni Edu
Luis Manzano with Vilma Santos and Jessy Mendiola

“Unfortunately hindi naging successful ‘yung marriage namin ni Eduardo. I think you were four years old then. Alam mo kung saan namin siya dinala? Sa Libingan ng mga Bayani. Kasi walang tao doon,”

“Basta ‘yun ang naaalala ko. Kinausap ka naming dalawa. Kahit na four years old ka noon, pinaliwanag namin kung ano ‘yung nangyayari sa relationship namin at pinaalam namin sa iyo na mahal ka naming dalawa,” sambit ni Vilma.

“Naaalala mo kung anong sinagot mo anak? Sabi lang niya sa amin, ‘It’s okay. Boy need girl. Girl need boy.’ Yun ang sinabi mo talaga,”

“Kami ngayon ng dad mo, napakaganda ng aming pagsasamahan. Maligaya siya sa kanyang buhay ngayon, and same here. Basta’t ang importante, we are one family, anak,” with positivity na pagbabahagi ni Vilma.

Kung inyong babalikan ang nakaraan, maituturing na ‘sheltered’ kid si ‘Lucky’, kaya naman nakakatuwa na noong lumaki na ito ay nailabas na niya ang kanyang kenkoy side at nakagawa rin ng sariling pangalan bilang isang credible TV host at comedian. Ngayon nga ay marami rin ang naaaliw sa mga vlogs niya na punong-puno ng kalokohan at good vibes.