Vilma Santos, hayaan sina Luis Manzano at Angel Locsin na ayusin ang problema nila

ADVERTISING

Vilma Santos, hayaan sina Luis Manzano at Angel Locsin na ayusin ang problema nila

Vilma Santos, hayaan sina Luis Manzano at Angel Locsin na ayusin ang problema nilaAliw kami kay Ate Vi (Vilma Santos) last Sunday nang mapanood namin ang special guesting niya sa Gandang Gabi Vice.

ADVERTISING

Very Ate Vi ang aktres na nakipagharutan, kantiyawan, at lokohan with Vice Ganda.

Natural ang halakhak niya. Natural ang reaksyon niya kapag masusundot na ni Vice Ganda ang sense of humor niya.

Gamely, dance to death si Ate Vi with one of the #hashtag boys of the noontime show ng Kapamilya Network na “It’s Showtime” na si Zeus na tilian ang reaction ng mga audience.

ADVERTISING

Si Ate, game na game talaga. Mami-miss na naman ng showbiz ang Star For All Seasons after ng pelikula niyang “Everything About Her”.

Matagal na naman nating mapanonood si Ate Vi sa big screen or even sa telebisyon.

Pero may huling hirit si Ate sa isyu na kinasasangkutan ngayon ng anak niya na si Luis Manzano at sa girlfriend nito na si Angel Locsin, “Let’s give them time na ayusin nila in their own ang problema nila.”

Sa katunayan, sa tono ng statement ni Ate, ang basa ko, gusto niya si Angel Locsin para sa anak niya na si Luis.

Hopefully, ang problema ng dalawa, maayos na. We love Angel to be happy. ‘Di ba, Ate Vi?

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING