Vilma Santos, ‘di makapaniwala sa mga negative write-ups tungkol kay Xian Lim

ADVERTISING

Vilma Santos, 'di makapaniwala sa mga negative write-ups tungkol kay Xian Lim

Vilma-Santos-Xian-LimAll praises si Vilma Santos sa kanyang co-star sa movie na Everything About Her na si Xian Lim.

ADVERTISING

“Noong una kong nakita si Xian Lim, naninibago rin ako sa kanya in a way. May mga naririnig akong negative kay Xian that’s why noong first time ko siyang nakita sa storycon, I was trying to observe him kasi hindi ko rin alam kung anong gagawin kong approach sa kanya. Unang-unang basa ko sa kanya… totoo ito, ha? Story conference pa lang, he’s such an educated person. Napakaedukado niyang tao. I mean it. And then noong nasa shooting siya, nasasaktan ako kasi may negative na write-ups na tungkol sa kanya. ‘Bakit si Xian? Si Xian ay ganito, si Xian ay ganyan. Bakit iyan nakasali sa movie?’. My God, kapag napanood ninyo ito ay ipagmamalaki ninyo si Xian Lim.

“Totoo ‘yon. Pagpapatotoo lang. Totoo ang sinabi ni Direk, eh. Sa generation nila ngayon, bihirang-bihira ang gumagawa ng assignment. Seryoso siya sa ginagawa niya, pinag-aaralan niya. Tama si Direk Joyce (Bernal). Even the time kapag magkaeksena kaming dalawa na hindi kami magkikibuan, I could see and I could feel him na he’s very serious, na hindi kami mag-uusap,” dagdag pa ni Ate Vi.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING
ADVERTISING