Vilma Santos at Kim Chiu, magsasama rin sa pelikula!

ADVERTISING

Vilma Santos at Kim Chiu, magsasama rin sa pelikula!

Vilma Santos at Kim Chiu, magsasama rin sa pelikula!

LIMANG DEKADA NA sa showbiz ang Star for All Seasons na si Gov. Vilma Santos-Recto, at iyan ay magaganap next year.  Napakalaki ng kanyang pasasalamat sa movie industry, kaya para sa kanya ay malaking suwerte na nabigyan siya ng pagkakataon na magtagal sa lokal na aliwan nang ganu’n ka-tagal. Kahit ngayon ay number three na lang sa kanyang mga prayoridad ang showbiz, hindi niya makakalimutang balikan ang pag-arte.

Ngayon kasing nasa larangan na siya ng pulitika, ito na muna ang pangunahin sa kanyang buhay, at pumapangalawa lang ang kanyang sariling pamilya na sina Sen. Ralph Recto, Ryan Christian at Luis Manzano.

“Wala pa akong maisip kung papaano ko ise-celebrate ‘yung ika-limang dekada ko sa showbiz. Pero dahil mayroon akong bagong movie under Star Cinema na mag-i-start ang shooting sa September, kaya kung next year ang showing noon, iyon na bale ang special offering ko na masa-sabi para sa mga fans ko,” wika ni Ate Vi.

ADVERTISING

Hindi na muna matutuloy ang project na pagsasamahan nina Ate Vi at Sharon Cuneta, dahil hindi magtagpo ang kanilang schedule. Hindi pa rin sa ngayon matutuloy ‘yung planong movie na pagsasamahan nina ni Ai-Ai delas Alas. Isang horror movie na pagsasamahan nila ni Kim Chiu ang matutuloy. “Maganda kasi ang script nito. Direk Chito Roño pa. Una ko kasing tinitingnan ay ang magandang script. Okey din, dahil may bagets akong kasama, si Kim,” balita pa ng mommy ni Luis.

 

MAGKAPAREHO HALOS ANG mga intrigang pinagdaanan nina Sam Concepcion at Enchong Dee noong nagsisimula pa lamang sila. Kinukuwestiyon ang kani-lang gender, dahil may nahahalata raw na kalamyaan sa kanilang mga pagkilos.  Nakaraos na si Enchong, dahil kesehodang intrigahin pa siya kung bakit wala pa siyang girlfriend hanggang ngayon, sanay na siya. Kasi nga, sikat na sikat na siya ngayon, at malaki ang tiwala sa kanya ng ABS-CBN at Star Cinema. Maganda rin kasi ang chemistry nila ni Erich Gonzales, kaya lagi silang mayroong project.

Si Sam naman ay mahuhusgahan ngayon sa pelikulang Way Back Home dahil pinasisikat na talaga siya ng Kapamilya Network. Hindi pinansin ni Sam ang pagkuwestiyon noon sa kanyang gender, dahil hindi pa siya noon hataw sa acting dahil puro singing lang muna siya, kung saan siya unang nakilala. Three years ago nu’ng payatot pa lang siya, may lamya ngang nahahalata sa kanyang pagkilos. Pero nitong nagbibinata na siya at nagkakalaman na ang kanyang katawan, nawala ang lamya ng kanyang pagkilos, kaya tinitilian, kinakikiligan at pinagpapantasyahan ang kanyang porma’t kaguwapuhan.

Katulad ni Enchong, kinaiinggitan na rin si Sam ng ibang bagets stars sa bakuran ng Dos. Kasi nga, hindi na siya nawawalan ng pro-ject. Puwera sa bago niyang movie ay regular pa rin siyang napapanood sa Good Vibes ‘pag Sunday.  Ito ay pagkatapos na mawala sa ere ang isang youth oriented show ni Sam. Pang-matinee idol na kasi ang kalibre ni Sam, at hindi naman kataka-taka ang pagtitiwala sa kanya ng Star Magic, dahil bukod sa kanyang talento sa pagkanta at pag-arte ay may breeding din ang bagets, na obviously ay maganda ang pagpapalaki ng kanyang mga magulang.

 

ChorBA!
by Melchor Bautista

ADVERTISING