Vilma Santos at Angel Locsin, magsi-shoot na ng kanilang pelikula

Vilma  Santos at Angel Locsin, magsi-shoot na ng kanilang pelikula

Angel-Locsin-Vilma-SantosKUNG WALANG aberya, natuloy kahapon (Thursday ) ang story conference naman ng tambalang Vilma Santos at Angel Locsin para sa Star Cinema, ayon sa pagbabalita ni Direk Joyce Bernal na nakausap namin saglit on our way home sa mga steps ng entrance papasok sa ELJ Bldg.

Kung walang changes, target date ng shooting ng pelikula, na ang peg ay tipong The Devil Wears Prada na pinagbidahan nina Meryl Streep at Anne Hataway noong 2016, ay sa April pagkatapos ng Holy Week.

“It’s a light drama movie at kasama si Xian Lim,” pagkukuwento pa ni Direk Joyce sa amin.

Tuloy nang ikuwento ko sa isang grupo ng mga entertainment reporters ang tungkol sa casting, aprub sila sa pagsasama nina Ate Vi at Angel (na matagal na rin walang movie). “Pero make-keri kaya ni Direk Joyce si Xian?”

Make-keri na ano? “‘Day, hindi kaya mag-init ang ulo ni Joyce sa isa niyang artista?” Yun na!

Reyted K
By RK VillaCorta