Vilma Santos, ‘di totoong gustong makita ang kumareng si Nora Aunor?!

ADVERTISING

Vilma Santos, ‘di totoong gustong makita ang kumareng si Nora Aunor?!

Vilma Santos, ‘di totoong gustong makita ang kumareng si Nora Aunor?!SOBRA ANG TUWA ng father ni Shamcey Supsup sa tinamong success ng kanyang anak sa Ms. Universe. Si Shamcey ang itinanghal na third runner-up sa katatapos na Ms. Universe sa Sao Paulo, Brazil.

ADVERTISING

“Ang laking tuwa ko dahil nawala na ‘yung aking nerbyos. Pinag-pray ko kagabi, nagkatotoo nanalo siya,” sabi ni Timoteo Supsup, Shamcey’s father.

“Maraming salamat at ginawa mo ang lahat para kay Papang,” dagdag pa ng ama ng beauty queen. Idinagdag pa nitong “hihintayin ko lang ang kanyang tawag”.

Napabilib si G. Supsup sa pagsagot ng kanyang anak sa question and answer. Natanong si Shamcey kung papalitan niya ang kanyang relihiyon kung ito ay hihilingin ng kanyang boyfriend. Sumagot si Shamcey ng ‘no’ at sinabing kung talagang mahal siya ng kanyang nobyo ay ito ang magpapalit ng kanyang religion.

ADVERTISING

“Tama po ‘yung desisyon ni Shamcey sa kanyang pagsagot na hindi niya ipagpalit. Lord talaga ‘yun, ang mas importante,” sabi ni G. Supsup.

 

HINDI NAMAN PALA sincere si Vilma Santos sa kanyang pagsasabi na gusto niyang makita ang kumare niyang si Nora Aunor.

Nasa Taal, Batangas lang kasi ang taping ng Sa Ngalan Ng Ina, pero parang hindi ito kayang puntahan ni Vilma. Kung napupuntahan niya ang Manila para sa kanyang presscon, bakit nga naman hindi niya madalaw si Ate Guy gayong nasa Taal lang naman ito na isa sa kanyang nasasakop na bayan sa Batangas.

Actually, day one pa lang ng taping ay umaasa na ang ilang production staff na bibisita si Vilma kaya lang ay nabigo sila.

Anyway, laging on time si Nora sa taping. Paano naman kasi, hatid-sundo naman pala siya ng sasakyan na inarkila ng TV5 para sa kanya.

At generous pala talaga itong si Ate Guy. Ima-gine, binigyan niya ng tig-P2,000 ang lahat ng taga-production sa isa niyang taping.

Totoo nga ba ang tsika sa aming may pagka-Cory Aquino ang role ni Nora sa kanyang soap. Role kasi ng isang simpleng maybahay na napasok sa pulitika dahil sa pagkamatay ng kanyang asawa ang papel ni Ate Guy.
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING