‘Video’ ni Maricar Reyes, nagustuhan ni Richard Poon!

‘Video’ ni Maricar Reyes, nagustuhan ni Richard Poon!

‘Video’ ni Maricar Reyes, nagustuhan ni Richard Poon!NALITO TULOY ANG mga tao sa pagkakasabi ni Richard Poon na he loves the video of Maricar Reyes, ang babaeng nasimulan na nga niyang ligawan at inaasam na mapasagot na in the days to come.

Ang tinutukoy na video ni Mr. Poon ay ang ginawa nila ni Maricar para sa kanta niyang You and I. Dahil katuparan nga ito ng pangarap ni Mr. Poon na makilala si Maricar, matapos masilayan sa pagganap nito noon sa I Love Betty La Fea. At hindi nga niya akalain na ito rin ang magugustuhan ng kanyang manager na si Erickson Raymundo para siya ngang maging leading lady niya sa nasabing video ng kantang ni-revive niya.

Pero, marami talagang mga tao ang makapang-asar lang eh, gagawa at gagawa ng paraan para masira ang araw ng isang tao.

Nagpakatotoo na nga si Mr. Poon sa paghahayag ng damdamin niya for Maricar, at hindi rin nito itinago ang kanyang damdamin sa mga press na nakausap niya. Pero hindi naman nito akalain na paglalaruan pa ang kanyang isang pahayag.

Without saying it, nadidisimula na nga ang mga bagay na tinabunan na ng nakaraan, pero ang ibang mga tao naman, patuloy lang sa paglalaro sa puwede pang maramdaman ng iba.

Nagbigay si Mr. Poon sa nasabing interbyu na malaman ng mga tao ang tunay na damdamin niya now for Maricar. At kahit na nga para sa concert niya sa darating na Biyernes sa PICC Plenary Hall ang dahilan para makasama niya ang press, hindi niya inisip na ang magiging dating ng pagsasabi niya ng kanyang damdamin eh, pagkakamalan pang paggamit kay Maricar.

The guy is so in love with Maricar. At baka nga ang kanyang “The Crooner” concert pa ang maging daan para lang lalo pa niyang maipahayag kay Maricar ang niloloob niya sa pagsaliw ng 25-piece orchestra sa kanyang mga aawitin with Pokwang, Sam Milby and Ms. Lea Salonga.

WALA NAMAN DAW dahilan para ang iba eh, ma-insecure sa beauty titlist na si Bianca Manalo na siyang main reason kung bakit kinagat ang remake ng Juanita Banana sa telebisyon.

Nabura rin kasi ang paniwalang hanggang sa pagiging kontrabida lang puwedeng mapanood ang mga kilala nang beauty queens nitong mga nakaraang panahon. Dahil Bianca got the plum role nang mag-audition siya for the role. At wala rin daw kinalaman dito ang kapatid niya na nagtatrabaho sa ABS-CBN (under Deo Endrinal) sa pagkakapili sa kanya para magbida sa nasabing palabas.

Kuwento ni Bianca, pawang professionals na silang magkakapatid sa pamilya niya. Sobrang tuwang-tuwa nga raw ang Daddy niya dahil dalawa na silang naging beauty queen ng kanyang Ate (na naging Miss Philippines noong 2002). At may tiyahin pa silang naging beauty titlist din, si Nini Licaros.

Non-exclusive naman daw ang kontrata ni Bianca sa ABS-CBN. But at the rate things are going, mukhang marami pang inihahandang proyekto sa kanya ang Kapamilya na sigurado na namang puwedeng ipagselos ng ibang mga kapanabayan niya.

“May kanya-kanya namang ilalaan para sa aming lahat. Marami nga lang siguro ang nagulat dahil after Magkaribal, meron na agad akong bagong project. Suwerte lang talaga. At nagustuhan nga nila siguro ang nagawa ko sa Magkaribal kaya ibinigay ang Juanita Banana sa akin.”

Ang birong tanong nga kay Bianca ng mga kaharap eh, kung mahilig daw ba naman siyang kumain ng saging?

And she gave an impish smile. May malisya…

Tinanong siya kung ano ang masasabi niya sa crush niyang si Piolo Pascual.

Aba! Nabaduyan sa tanong sa kanya ang dalaga? Gano’n?

The Pillar
by Pilar Mateo