Victor Aliwalas at Liz Almoro, ‘di na itinatago ang relasyon!

ADVERTISING

Victor Aliwalas at Liz Almoro, ‘di na itinatago ang relasyon!

Victor Aliwalas at Liz Almoro, ‘di na itinatago ang relasyon!

PILIT MAN NAKIKISABAY ang TV5 sa mga shows ng ABS-CBN at GMA-7, palagi silang bigong makakuha ng mataas na rating. Mga teleseryeng hindi nagtatagal dahil sa kakulangan ng impact sa manonood at publicity. Kadalasan, hindi pa natatapos ang first season, tsugi na ito sa ere.

Mahina yata ang PR Department ng TV5 sa pagpo-promote ng kanilang mga shows. Tinitipid ang budget ng entertainment press (P1,000) at kung minsan pa, gift check na ka-cheapan kaya naman tipid din ang publicity na ibinibigay ng mga ito sa nasabing network.

May nakausap nga kaming kapatid sa panulat na taga-TV5, mismo nga silang nasa bakuran na hindi naiimbita ng PR Dept. Sa madaling salita, hindi friendly ang PR ng TV5. Sabi nga, may sariling group of writers lang silang iniimbita. Sorry ka na lang, hindi ka ‘belong’ maging Kapatid nila!

ADVERTISING

Pagdating sa TF ng mga stars, bonggacious magbayad ang TV5 lalo na sa kanilang mga contract stars, pero pagdating sa movie writers, barya lang ang ibinibigay sa mga ito.

Sa totoo lang, hindi nagrerehistro sa isipan ng publiko ang mga teleserye ng Singko kahit sikat na artista pa ang mga nagsisiganap. Tanging ang game show na Wil Time Bigtime ni Willie Revillame, Face to Face ni Amy Perez at talk shows ni Cristy Fermin na Juicy at Paparazzi ang umaarangkadang palabas ng Kapatid Network. ‘Yun lang.

 

OPEN NA ANG relasyong Victor Aliwalas at Liz Almoro (ex-wife ni Willie Revillame). More than a year na pala ang kanilang relationship na nu’ng una itinatanggi pa ng dalawa. Pero ngayon, proud na ikinuwento ng model/actor na ‘yung kay Liz ang pinakamatagal at seryoso niyang relasyon. Karamihan sa kanyang naging girlfriend ay tumagal lang ng months or almost a year. Kay Liz, they easily get along and they have many things in common. Open daw kasi ang kanilang communication, pinag-uusapan nila kung anuman ‘yung problemang dumarating sa kanila.

Ayon kay Victor, “Maganda ang relationship namin, I have no complaint. I discovered that she used to be a sportswoman. She was in into sports when she was in high school and college. Sportsman din ako like Liz. She’s also a very adventurous person, love to travel and go to different places. Ganu’n din ako. We’re both into fashion as well, kaya there are so many things that made the two of us click. It’s fascinating and we learn a lot from one another,” say ng binata.

Pinuri rin ni Victor ang pagiging mother ni Liz sa baby nila ni Willie Revillame na si Juamee. “Liz is such a wonderful woman. She can handle everything and still have spare time for our relationship. I don’t know how she do it. I know how busy she is with her career and business. But she never loses time for her son. She seems to balance everything. Not all women are that good with time management. Tipong na-master na niya lahat. That’s what I like about her. She’s in control of her life,” papuring sabi ni Victor.

Sinabi rin ni Victor na wala pa silang planong magpakasal ni Liz. Ini-enjoy muna nila ang isa’t isa. “Liz has been married before and she knows what that life is all about. Me naman, never pa and I need to be prepared emotionally and financially if I want to really settle down. Wala pa kami du’n, but I am working hard to get there. Gusto ko kapag nagyayaya na akong magpakasal, I’ve already made something out of myself. I want to be able to reach a certain standard and to be proud of what I have achieved. What my parents always tell me is that I should settle down if I know it’s the right time. It’s better to be ready for everything,” turan niya.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

ADVERTISING