Vicki Belo, ubod ng kasinungalingan?!

OLA CHIKKA! NALOLOKA talaga ko rito sa beauty ni Dra. Vicki Belo na halos kamukha na ng namayapang King of Pop na si Michael Jackson sa dating ng kanyang mukha. Hindi ko talaga lubos-maisip kung paano siya nakapagtayo ng isang beauty clinic kung ang sarili niya ay hindi niya mapaganda.

Pero ‘day, talbog ang beauty ng kahit na sinong artista d’yan dahil until now ay nakadikit pa rin ang Belo sa pangalang Kho! Wala ng iba kung hindi ang napaka-yummy na si Hayden Kho Jr.

Shunga na kung tawagin ng sambayanang Pilipino itong si Belo na tuloy pa rin siya sa kalokahan niya rito sa guwapong doctor. Naku kahit ako naman siguro, kahit magpakabaliw pa ay go pa rin.

Ang problema lang dito kay Dra. Belo, masyadong makeme na kesyo may New Year’s resolution pa ang drama na hindi na magkakaroon ng kahit na anong communication kay Hayden. Eh, kung makasunod naman ay daig pa ang aso! Dinagdagan pa ng kasinungalingan na hinding-hindi niya muna kikitain si Hayden hanggang mag-birthday ito sa Mayo. Keme mo!

Noong isang araw lang, nakita sila ng aking parazzi girl na magkasama sa Mandaluyong nang mag-guest sa isang FM radio. Kapag may camera eh, deny to death itong si Belo. Pero kapag wala na ang kamerang-gala, ay naku ‘day!

Parang ahas kung makapalupot kay Hayden. Alam na naman ng mundo na “Victim of Love” ka eh at aminado ka namang mahal mo siya kaya tama na ang dramang pag-iwas mo at friends keme pa kayo. Kahit ano’ng sabihin mo, shunga ka pa rin! Ha-ha!

Eh, teka… tanong ko lang, na-chismis na lahat ng endorser ng Belo Medical group ay hindi nakaliligtas kay Hayden. Paano kaya itong bagong endorser nila na sila Phoemela Barranda, nakalusot kaya siya?! Hmmm… ano sa tingin mo Dra. Belo?!

AT DAHIL NAPAG-USAPAN na ang kadramahan, hindi ko rin ma-gets ang drama nitong mudra ni Basty Alcances ng Goin’ Bulilit, bhuket?!

Namamasyal kasi sa isang mall itong anak at apo ko nang makita nila itong si Basty. Nakatutuwa naman itong si Basty dahil showbiz na showbiz na at sanay nang makihalubilo sa mga tao, ngunit ang kanyang madir ay hindi. Subukan niya kayang turuan ng good manners and right conduct nang hindi sila natsi-chikka.

Isipin n’yo, magpapa-picture lang ang apo ko kay Basty dahil may pagkakahawig sila, samantalang itong madir niya ay hard eksena. Hatakin ba naman ang anak matapos magpakuha ng litrato at walang pasintabing umalis. Walk-out ang drama?! Insekyora?! Naku, huh!

Mukhang nadagdagan na naman ang miyembro ng mga stage mom-ster, ah! Hindi ko naman na kailangan silang isa-isahin, ‘di ba?!

Ayan ang problema sa mga mudra ng mga artista ngayon, exaggerated na ang pagiging stage mom na hindi nila alam, agaw-eksena na rin sila. Hindi ba nila alam na ang ginagawa nila ang ikinasisira ng kanilang mga anak? Sayang lang ang talent nila kung dahil sa ka-epalan n’yo ay masisira ang career nila. Ha-ha! Kaya konting ingat naman.

BLIND ITEM: PITIK-BULAG! Sino siya? Sino itong merlat na kung gumasta ng pera ay akala mo siya ang naghirap? Tama! Maluho at napakagastos niya, bili rito, bili roon, lalo na ng mga mamahaling bag ay kulang na lang pakyawin niya!

At ang pinakamalupit doon, ayon sa aking parazzi girl, ay retoke rito, retoke roon. Eh, ano naman? Barya lang naman sa kanya ‘yung mga ginagastos niyang ‘yun, at dapat lang na magpaganda siya dahil sa beauty ng kanyang karibal ay tiyak na shalbog siya! Pambansang “K” ba naman, eh! Oh, ayan ha? Given na! Ha-ha! ‘Yun na!

Para sa mas maiinit  pa na chika at makatotohanang balitaktakan pakinggan n’yo po kami sa DWBL 1242 khz kasama ang sosyalera kong co-host na si Michelle Junia every Monday to Friday mula 8 hanggang 9 ng umaga at sa RHTV / DZRH tuwing linggo 2:30 to 3:30 pm. This is your Tita Swarding saying thank you very much and God Bless!

Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding

Previous articleMaja Salvador, binasted na si Coco Martin!
Next articleChito Miranda, bad influence kay Angel Locsin?!

No posts to display