Vicki Belo, sinadyang guluhin si Katrina Halili sa korte?!

ADVERTISING

Vicki Belo, sinadyang guluhin si Katrina Halili sa korte?! Vicki Belo, sinadyang guluhin si Katrina Halili sa korte?!KAYA PALA NAGRI-REACT nang husto si Dra. Vicki Belo sa mga sagot ni Katrina Halili sa cross-examination sa kanya nu’ng nag-hearing uli sila ni Hayden Kho Jr., dahil tungkol sa kanilang tatlo ang napag-usapan at ang ilang sagot daw ni Katrina ay hindi matanggap ni Vicki.

Meron pa raw roon na tanong ng abogado ni Hayden na kailangang i-Tagalog dahil hindi maintindihan ni Katrina.

ADVERTISING

Nahirapan si Katrina na sagutin ‘yun sa English kaya mas na-express niya sa Tagalog, at natawa raw roon si Vicki.

Kaya pala nandu’n si Vicki sa hearing, dahil ang cross-examination na ‘;yun ay mas nakatuon sa kanilang tatlo na kung gaano katagal ang pakikipagrelasyon ni Katrina kay Hayden kahit alam nitong may relasyon din ang huli kay Vicki.

Naungkat pa ‘yung pagkikita nilang tatlo para klaruhin ang pagtataksil nina Hayden at Katrina kay Vicki, at meron daw doong sagot si Katrina na tingin ni Vicki ay nagsinungaling ito kaya ganu’n na lang ang reaksyon niya nang narinig niya ito. Kaya pinansin ito ng judge at binigyan ng warning.

ADVERTISING

Pinalipat pa ng upuan si Hayden sa tabi ng mga abogado nito dahil bago nagsimula ang hearing ay magkatabi sila ni Dra. Belo at nagkukuwentuhan.

Meron pa raw doon nakapaypay si Vicki nang malakas at deretsong nakatingin kay Katrina pero ayaw magpaapekto ng huli dahil mas nakatuon daw ito sa mga isasagot niya sa tanong ni Atty. Kapunan.

May kuwento pa roon (hindi ko lang tiyak kung totoo ‘yun ha?), na merong suot daw roon si Hayden na singsing na ang sabi, bigay raw ‘yun ni Katrina sa kanya. Ipinapakita raw nito kay Katrina para ma-irita lang ito at ma-distract siya sa cross-examination na ‘yun.

Pero nasagot naman daw maayos ni Katrina ang mga tanong ni Atty, Kapunan at sinasabi nga nitong kahit pabalik-balik doon si Dra. Belo para inisin lang ito, hindi raw siya magpapaapekto dahil pawang katotohanan lang daw ang sasabihin niya.

Tipid ang mga sagot ni Dra. Belo sa mga tanong ng media dahil nandu’n lang naman daw siya para magbigay suporta kay Hayden. Walang intensyong guluhin ang pagsalang kay Katrina sa witness stand.

Sa susunod na hearing na gagawin sa June 7 ay itutuloy pa rin daw ang cross examination kay Katrina pero muling panonoorin daw  ng judge ang sex video na ‘yun dahil may kinalaman ito sa mga susunod na itatanong ni Atty. Kapunan kay Katrina.

Sabi ni Atty. Raymund Palad na abugado ni Katrina, kung nandu’n daw uli si Dra. Belo at muling guguluhin ang atensiyon ni Katrina, ipapa-exclude na raw niya ito sa hearing.

Bongga ang dramang nagaganap sa hearing na iyun, kaya abangan ang mga susunod nilang pagtatagpo na lagi naming sinusubaybayan. Abangan n’yo ‘yan sa Startalk!

MUKHANG MALABO NA ngang makapag-asawa uli si Lorna Tolentino, kahit marami pa rin ang umaali-aligid sa kanya, dahil sariwang-sariwa pa rin ang mga alaala ni Rudy Fernandez sa kanya.

Magdadalawang-taon pa lang na biyuda si Lorna at hanggang ngayon nga ay hindi pa rin nito naaayos ang mga gamit ni Rudy dahil ang gusto raw niya ay aayusin pa muna ang isang bahay nila sa Sct. Rallos at doon daw niya ilalagay ang lahat na gamit ni Rudy na parang gagawin na itong museum.

Sobrang organized kasi si Rudy na ultimo mga damit nito merong nakalagay na note kung saan ‘yun ginamit at anong sequence.

Minsan ay tinitingnan daw niya ang closet nila at sa paghaha-lungkat nito, doon niya nakita ang mga sulat sa kanya ni Rudy na talagang nakatago ito nang mabuti.

Ang ibang sulat nga ni Rudy sa kanya ay dala-dala niya at paulit-ulit niyang binabasa at doon na siya natatawa.

Lalo raw niyang nami-miss tuloy ang nasirang asawa na kung katabi lang daw niya ito, nayakap sana niya at nahalikan.

Kaya paano pa makapag-entertain ng mga manliligaw iyan si Lorna eh, dala-dala ang mga alaala ng asawa niya?

Pati nga si Sen. Jinggoy Estrada ay nami-miss din ang bestfriend niya tuwing nangangampanya ito dahil kung buhay lang daw ito, tiyak na araw-araw daw niya itong kasama sa pag-iikot sa pangangampanya.

Sa June 7 ay dalawang taon nang sumakabilang buhay si Rudy at magkakaroon lang daw si Lorna ng pamisa at konting salu-salo kasama ang pamilya at malalapit na kaibigan.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING