Vicki Belo is feeling sweet sixteen?!

ADVERTISING

 Vicki Belo is feeling sweet sixteen?!

 Vicki Belo is feeling sweet sixteen?! IF THERE’S AN award for the ODDEST COUPLE showbiz has ever known, no other pair is more deserving than that of Dra. Vicki Belo and Hayden Kho. Kung tutuusin, hindi nga sila showbiz, but their medical field has opened showbiz doors… pero gustong isara na ng publiko, ‘no!

ADVERTISING

In Dra. Vicki’s latest interview, she seemed more like a cake decorator than a cosmetic surgeon dahil sa kanyang mga “icing-on-the-cake” statement tungkol sa—ano pa nga ba?—napipintong pagpapakasal nila ni Hayden. Kesyo matagal pa raw ‘yon, pero for sure ay imbitado ang nag-interview sa kanya.

Nasa stage na raw kasi sila ni Hayden na “parang we’re getting serious.” After all din daw, Hayden—to hell with his past—is now a good boy. “You tell me if bad boy siya, ha?” mala-teenager na pakiusap ni Vicki.

Juice ko, all I know about Vicki’s medical profession ay pabatain ang hitsura ng kanyang mga parokyano. Hitsurang ang ipinamamarali niyang procedure ay non-surgical. Kasama rin ba sa rejuvenating eklat na ito on the physical side ang magsumixteen?

ADVERTISING

Yaman din lamang na showbiz na rin ang tinaguriang Doctor to the Stars, at ang dyowa nitong si Hayden ay kinakitaan din naman ng galing sa pagkanta (via Celebrity Duets), why can’t they both WAX a duet album with their faces near each other?

WAX ‘yon, este, SWAKS!

 Vicki Belo is feeling sweet sixteen?!

AS OF PRESSTIME, wala pang ini-aalok na show ang GMA kay Gelli de Belen after Tweetbiz Insiders had gone off air last June 3.

A mother of two (to Joaquin and Julio), aminado si Gelli na in these hard times ay kaila-ngang maging katuwang niya ang asawang si Ariel Rivera, so to resolve this ay dapat lang naman siyang tumanggap ng trabaho. Ang tanong: is there a job that awaits her in GMA, kahit pa sinulatan na ng kanyang management office (Backroom, Inc. of Boy Abunda) ang istasyon kung may plano pa nga ba ito for her?

For now, Gelli seems like a pendulum that swings between working still with GMA (wala naman kasi siyang exclusive contract dito) and grabbing a long-time offer mula sa ABS-CBN for a teleserye. After all, ayon sa pa-ngungumbinsi ng mga taga-Dos ay naroon ang kanyang dyowa, so she might as well join him.

If ever, Gelli won’t have a hard time, nakatrabaho na rin naman daw niya ang kabilang istasyon where she’s most welcomed. Go-signal na nga lang daw ang hinihintay ng mga bossing doon, and voila!, ang dating Kapamilya na naging Kapuso ay nagbabalik bilang Kapamilya uli!

Go, girl… embrace the work that comes your way!

 

INIHALINTULAD NI LYVHIE (isang beki) sa mga daga sina Kyla at Kim (kapwa rin beki) na noong mawala siya sa tinutuluyang boarding house para magtrabaho ay pinagtripan nila ang kanyang dyowang si Zaico. Pumatol daw si Zaico kay Kyla sa halagang 3-0-0 para sa isang gabing pagniniig.

Usapang kabaklaan ang matutunghayan ngayong Lunes sa Face To Face na pinamagatang Sabi Ni Beki, Unfair! Inagaw ang Dyowa sa 300 Pesos na Dare!

Ito’y as opposed to tomorrow’s episode titled Ibong Tiririt, Hindi Na Makapag-Tweet… Dahil Sarili Niyang Dyowa, Hindi Na Sweet? Kuwentong tomboyan naman ito kung saan imbiyerna si Jossing kay Maryann dahil inahas nito ang kanyang dyowang si Melogen. Eh, kaya naman pala pumatol ang girlalu sa ibang tunggril ay dahil binubugbog daw siya ni Jossing.  Enter frame naman ang isang Mai Mai, hinalay raw siya ni Jossing nang malasing ito.

Hay, mapa-beki o mapa-tunggis, kalurky ang mga buhay-pag-ibig nila, devah?
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

ADVERTISING