Vicki Belo, clueless sa suicide attempt ni Hayden Kho? – Lolit Solis

ADVERTISING

Vicki Belo, clueless sa suicide attempt ni Hayden Kho? - Lolit Solis Vicki Belo, clueless sa suicide attempt ni Hayden Kho? - Lolit SolisHindi ako pinayagan na magsalita sa Startalk nu’ng nakaraang Sabado para magkomento sa panibagong isyu ni Hayden Kho.

Ang dami kasing naglabasang balita nu’ng nakaraang Biyernes pero parang mas pinaniwalaan ang napabalitang nagtangka na naman daw itong magpakamatay.

ADVERTISING

Hindi malinaw ang kuwento pero ang unang nakarating na balita, nakita raw ng mga pulis sa Tagaytay na nakahandusay si Hayden sa damuhan na may mga galos ang mukha. Naka-park lang daw sa isang tabi ang kotse niya na wala namang sira.

Ang unang nakarating sa akin, nagtangka raw itong magpakamatay dahil na-overdose na naman ito. Nu’ng Huwebes ng gabi pa ito nangyari.

Pero ang sumunod na sinabi ng ilang staff ng Belo Medical Group, naaksidente daw si Hayden at natagpuan daw ito ng mga pulis sa isang madamong lugar sa Silang, Cavite.

ADVERTISING

Kaagad na isinugod daw nila sa isang hospital sa Silang, kaya lang minalas naman meron palang nagti-taping doon ng isang programa sa ABS-CBN 2 at marami raw ang nakakita kay Hayden doon.

Kaya mabilis na kumalat ang balita. Kinabukasan, kinuha na raw ito ng mga magulang nito at dinala sa Manila Doctors Hospital.

Pinuntahan ito ng staff ng Startalk sa Manila Doctors Hospital pero tumanggi siyempre ang magulang ni Hayden at sinabi lang nila na meron daw itong sakit, at mas gusto raw nila ng privacy.

Pinilit ding hingan ng komento si Dra. Vicki Belo pero tumanggi na ito at hindi raw niya ito alam.

Imposible namang hindi niya alam, kaya tingnan na lang natin kung tahimik lang siya sa gulong ito.

Ang sabi nila, isa talaga sa sobrang ikina-depress nang husto ni Hayden ay ang pagka-revoke ng lisensiya niya bilang doktor. Sobrang dinamdam daw niya ito at nagbago na raw ito magmula nang inilabas ang desisyong ‘yun ng PRC.

Kahit nga si Dra. Belo, nalungkot din pero umaasa naman daw silang mababago ang desisyon pagkatapos nilang mag-apela.

Pero may panibagong lalaking nali-link yata ngayon kay Dra. Belo dahil marami ang naintriga sa guwapong lalaking kasama niya sa Star Awards for TV nu’ng nakaraang Linggo.

Siya na raw kaya ang ipinalit ni Vicki kay Hayden? Ewan ko lang, kasi ang pagkakaalam ko tauhan daw niya ‘yun sa BeloMed kaya baka sinamahan lang niya ito sa Star Awards dahil ang Belo ang isa sa mga sponsor ng awards night na ‘yun.

Inaalam pa rin ng mga taga-Startalk ang buong kuwento nitong nangyari kay Hayden at alamin natin kung naaksidente nga ba, nagkasakit lang o nagtangka ngang magpakamatay itong si Hayden.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING