Vicki Belo, bulok na ang style!

Vicki Belo, bulok na ang style!

OLA CHIKA! NAKALULUNGKOTmang sabihin, marami talaga ang paektado sa isyung sex scandal ni Hayden Kho at ng kung sinu-sino pang babae na kanyang naka-dyug. Aray ko! Halos tingin ng karamihan sa kanya ay manyak! Kaya nga ang tawag sa kanya ay doctor maniac! Hahaha! Hindi na nga celebrity doctor ang tawag sa kanya, at pati itong si Dra. Vicki Belo, karamatic beauty na ang bansag! Hahaha! Buti nga!

Kaya ayun, para makaiwas sa intriga at isyung ipinupukol sa kanya, kunwari ay may gagawin sa abroad si Dra. Belo. Hay, naku ha?! Kumita na ‘yang ganyan. Dahil noong kasagsagan ng isyu nina Katrina at dyowa ng doctor na si Hayden, umiwas rin siya at nag-abroad. Kunwari may appointment siya roon, para nga makaiwas sa isyu.

Du’n din sa isyu nila ni Boy Abunda, kung saan kung anu-ano ang tinawag niya rito, nagbakasyon din siya. At ngayon nga ipinatatawag siya sa senado, ayun ang lola mo, may gagawin daw na commercial at magsu-shoot din daw. Hay, naku! Karma na ‘yan sa ‘yo, dahil sa kung anu-anong sinabi mo sa kasamahan ko rito sa Pinoy Parazzi na si Boy abunda. Buti nga sa ‘yo. Kaya ikaw ang itinuturong mastermind ng sex scandal na ‘yan.

‘Eto pa ang nakakaloka, ha?! Windang rin pati ang mga anak ni Belo. Ang chika sa akin ng aking parazzi girl, halos hindi matanggap ng mga anak ni Vicki Belo ang nangyari sa eskandalong ito. Dahil ang nanay nila ay dawit. Hahaha!

At kung totoo man daw na mayroong ding sex video ang kanilang nanay na si Vicki, mangunguna pa raw magdirek ang anak nitong direktor na si Quark Henares, huh!

Bonggacious, huh! Ang anak pa ang magdidirek. Nakakaloka nga naman! All out support talaga ang mga anak ni Vicki sa kanya, dahil pati ang mga ito, magbabakasyon din daw.

Hmm… dapat hindi pinagbigyan ng DoJ na makaalis ng bansa si Vicki, dahil iniimbistigahan pa ang kaso kung saan dawit ang kanyang pangalan. Kaya siya itinuturo dahil na rin sa sinabi niyang dapat hindi nang-agaw ng boyfriend si Katrina.

Hmm… ano ang ibig niyang sabihin? Kaloka, ha?!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding