Vicki Belo at Hayden Kho, nagbalak magpakasal sa Las Vegas?!

HINDI NAMAN daw nagkahiwalay talaga sina Dra. Vicki Belo at Hayden Kho.

Although ‘yun ang projection nila when a scandal rocked their romance, wala naman palang nagyaring hiwalayan talaga between the couple.

Nagkikita pa rin naman daw sa condo ni Vicki ang dalawa. Until now kasi ay hindi pa rin matanggap ng pamilya ni Vicki si Hayden kaya they have to see each other somewhere else.

Kapag nagkakaproblema nga raw si Hayden ay si Vicki kaagad ang kanyang tinatawagan.

Just recently, nanghingi raw ng P50,000 itong si Hayden kay Vicky dahil hindi na raw gumagana ang credit card nito.

Is this true, Hayden?

Well, wala namang problema kay Vicki ang P50,000, ‘no!

Anyway, merong nagtsika sa amin na nagbalak na palang magpakasal sa Las Vegas sina Vicki at Hayden. Ewan nga lang namin kung natuloy dahil ayaw pala ni Hayden na merong pre-nuptial agreement.

Vicki was advised  kasi na magkaroon ng pre-nuptial agreement kung magpapakasal siya kay Hayden.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

Previous articleClaudine Barretto, kakasuhan na si Raymart Santiago ng pang-aabuso
Next articleRegine Velasquez, ‘di puwedeng lumayas sa Siyete

No posts to display