Vice Gov. Daniel Fernando, hinamak at minaliit

Vice Gov. Daniel Fernando, hinamak at minaliit

Daniel-FernandoTULAD NI Laguna Governor ER Ejercito ay nakadanas din ng pang-aapi si Bulacan Vice Governor Daniel Fernando sa mga taong mapanghamak at minamaliit ang mga artistang naging pulitiko.

Pero hindi ito pinansin ni Vice Gov. Daniel at sa halip ipinakita niya sa mga taong ito na silang mga artista ay tapat maglingkod at hindi plastic na pakitang-tao lamang.

Napatunayan naman nila ito, kaya naman mahal na mahal sila ng mga kanilang constituents at natural na itong mga taong walang magawa na alam lang ay siraan sila ay mas lalong nanggigil.

Patunay ang mga karangalang tinatanggap at ipinagkakaloob kina Gov. ER at Vice Gov. Daniel para patunayan na sila ay laging nakahandang tumulong sa mga taong bumoto at nagtiwala sa kanila.

Dahil na rin sa pagmamahal ng mga artistang nahalal sa tungkulin ay hindi na nila nagagawang umarte sa harap ng camera para mas mabigyan ng full attention ang paglilingkod sa kanilang nasasakupan.

Hindi na nga mabilang ang mga karangalan natanggap ni Vice Gov. Daniel magmula nang manungkulan sa Bulacan.

Hindi rin sila nakakalimot sa mga taong tumulong sa kanilang showbiz career.

Naipakikita at naipapadama nila sa mga entertainment press ang kanilang taos pusong pasasalamat.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo