Vice Ganda wants Senator Chiz Escudero for Kris Aquino

ADVERTISING

 

 Vice Ganda wants Senator Chiz Escudero for Kris Aquino

ADVERTISING

 Vice Ganda wants Senator Chiz Escudero for Kris Aquino OLA CHIKKA NOW na! Don’t make your Monday a blue Monday. Dahil another week na naman, at more chikka, more fun na naman tayo to the maximum autho-rity of chikka na talagang nakakaloka!

Totoo nga ang nararamdaman ko noong nakaraang linggo, at tinanong ko nga sa mga kaparazzi natin kung nasaan na ba talaga si Claudine Barretto. Pero heto na ang chikka at lumabas na talaga na nagpa-rehab nga itong si Claudine. Ayan, ha?!

Nanghihinayang talaga ako sa aktres na ito. Bakit hindi niya inaalagaan ang career niya? Ano na ba kasi ang naging problema nito? Bakit tuluyan na lang siyang nawalan ng career? Ayan, masasagot na naman nila ang katanungan ko…

ADVERTISING

 

DUMAKO NAMAN TAYO kay Vice Ganda na talaga namang dumarami ang mga nagla-like sa fan page niya. Heto na naman ang chikka, dahil nabalitaan n’yo noon na ang mag-BFF ay sina Kris Aquino at Vice Ganda. Ngayon naman, si Vice Ganda at Sen. Chiz Escudero! Hmmm… bakit?! Hahaha!

Dahil nga sa pagiging mag-BFF nina Kris at Vice, ang chikka nga rito ay botong-boto raw talaga si Vice kay Sen. Chiz para ma-ging lalaki ni Ate Krissy mo! Pak!

Pa’no naman kaya mangyayari ‘yun, ‘di ba? Anyway, abangan na lang natin kung ano ang mga eksena nito. Kasi sobrang daming lalaki ang nali-link kay Ate Kris mo…

 

AT HETO NAMAN ang nakakalungkot na story at totoong-totoo, na kung naaalala n’yo pa noon, isang magaling na aktor si Toto Pimentel. Talaga namang maraming tagahanga at pinagpapantasyahan ng karamihan. Kung tatanungin n’yo ako kung ano ang lagay nito? Ayun nga raw, sobrang payat na raw nito, at nagpupulot na lang daw ng basura at nagpapalobo na lang ng lobo.

Bakit naman kaya nangyari ito sa kanya? Nakakaawa naman ang aktor na ito, tuluyan na ring nawalan ng career.

At ang maipapayo ko sa mga artista, ‘pag hindi n’yo pinahalagahan ang career n’yo, tuluyan kayong mawawalan ng career, at hindi n’yo alam kung saan kayo mapapadpad. Kaya naman ang payo ko sa mga baguhan, pahalagahan n’yo kung anuman at nasaan man kayo ngayon.

At siyempre, ‘di lang ‘yan… kung nabitin kayo sa mga chikka to the maximum autho-rity of chikka, makinig kayo Lunes-Biyernes, 11:30-12 nn sa DWSS 194 KHZ, at every Sunday sa DZRH TV, 2:30-3:30 pm. Pak!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

ADVERTISING