Vice Ganda, wala nang mahihiling pa sa sobra-sobra blessings na natatanggap

ADVERTISING

Vice Ganda, wala nang mahihiling pa sa sobra-sobra blessings na natatanggap1 Vice-Ganda

HINDI NAPIGILAN ni Vice Ganda na maiyak sa award na natanggap niya as the Phenomenal Star of the Year 2015 na ibinigay sa kanya ng Guillermo. Naging emotional ito last Monday sa Showtime habang nagpapasalamat sa madlang pipol. Naikuwento tuloy ni Vice ‘yung negative side na ginawa niya nu’ng time na hindi pa siya artista.

ADVERTISING

“Nineteen years old ako noon, nagtangka akong magpakamatay dahil sa sobrang depression. Uminom ako ng iba’t ibang klase ng gamot. Gusto ko nang mamatay, ‘yun naman talaga ang purpose ko. Isinugod ako sa hospital, naka-recover ako.

“Saka ko na-realize na hindi ko pala dapat ginawa ‘yun. Sabi ni Lord, hindi mo pa oras para mamatay. Kung natuluyan pala ako noon, hindi ko narating ang kinalalagyan ko sa ngayon. Naniniwala ako, may plano ang Diyos para sa atin. Kapit lang sa kanya, huwag bibitiw at manalig na hindi ka Niya pababayaan. Sobrang thankful ako sa inyo madlang pipol sa lahat ng suportang ibinibigay ninyo sa akin. Maraming salamat po sa inyong lahat.”

Hindi natitinag sa pagiging box-office king si Vice, lahat ng pelikula niya, super blockbuster sa takilya pati na rin ang solo concert nito sa Araneta. Wala na yatang mahihiling pa ang magaling na singer/comedian.

ADVERTISING

“Happy na ako sa kinalalagyan ko, kailangan lang i-maintain ko ito. Sobra-sobra na nga ang blessing na natatanggap ko galing sa Kanya. Good health na lang para magawa ko lahat ang trabaho,” dugto pa ng bagong Comedy King.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

ADVERTISING