Vice Ganda waging best host sa Asian Academy Creative Awards 2021

Leo Bukas

MAY BAGONG achievement si Vice Ganda bilang host. Kamakailan lang ay wagi ang Unkabogable Star bilang Best Entertainment Host sa nagdaang Asian Academy Creative Awards 2021.

“Overwhelmed! Ang gulo sa pakiramdam! Naiihi ako na naduduwal na di ko maintindihan. Nakakabaliw sa saya!” pagbabahagi ni Vice sa kanyang Twitter account tungkoll sa kanyang  bagong achievement.

Vice Ganda waging best host sa Asian Academy Creative Awards 2021
Vice Ganda

“Thank you Lord! This is unbelievable! Sh*t I just win Best Entertainment Host at the Asian Academy Creative Awards!” dagdag pa nito.

Ikinatuwa naman ng kanyang mga  supporters ang bagong karangalan na kanyang nakamit.

“Congratulations Meme @vicegandako you deserved it sa lahat ng hardwork mo at sa mga blessings na binibigay mo sa Family at Friends lalo na sa mga taong nangangailangan. #YouDeservedIt”

“Congratulations! You deserve that award dahil marami kang napapasaya! And excited para sa Season 2 ng Everybody Sing sa 2022! Mas masaya na naman ang weekend namin!”

“Sobrang happy ko para sayo! Grabee! di saakin yung award pero dahil mahal na mahal kita pakiramdam ko kasama ako sa panalo mo na yun mah! Huhuhu Desurvee! Naiiyak ako sa Tuwa. di ako mapakali nasa meeting ako haha I LOVE YOU! CONGRATULATIONS QUEEN VICE.”

“You deserve it Meme Vice! More awards and Blessings to come!Sana talaga makita kita sa personal. You are my happy pill lalo lapag nanonood ako ng Showtime.Hindi kumpleto ang araw ko kapag hindi ka mapanood. Lab u Meme.”

“Deserve na deserve mo yan I’m so proud of you ma pagpatuloy mo lang susuportahan ka nmn lagi mahal na mahal ka nmn. kaya idol kita e hsjshss congrats your one of my Inspiration mwahhh thank you because you always make me laugh, you make me always happy thank you!!!!!!”

Ilan lamang yan sa mga congratulatory message g kanyang mga supporters.

Wagi rin sa Asian Academy Creative Awards ang singing community game show ni Vice na  “Everybody, Sing!” for Best Music/Dance Program.