Vice Ganda to save Happy Yippe Yehey! in ratings game?!

Vice Ganda to save Happy Yippe Yehey! in ratings game?!

Vice Ganda to save Happy Yippe Yehey! in ratings game?!TAMA KAYA ANG aming nasagap na tsika nitong linggo lang na baka mag-reformat ang noontime show ng ABS-CBN na Happy, Yipee, Yehey?

Nakatulong naman daw, kahit paano, ang pagpasok ni Pokwang sa nasabing programa, pero tila kailangan pa rin umano nilang humataw nang husto sa ratings, ayon sa aming source.

Dahil dito, nabalitaan namin na iniisip diumano ng Kapamilya management kung isasama nila si Vice Ganda sa noontime show para makatulong sa pagtaas ng ratings nito.

Pero pag-aaralan pang mabuti umano ng Dos ang planong ito kung paano maapektuhan o mapipilayan ang Showtime na kasalukuyang kinabibilangang programa ni Vice na nauunang umeere sa Happy, Yipee, Yehey kung sakaling mag-materialize ito.

 

TOTOO KAYANG MAY pinagsabihan diumano ang nagdadalang-taong si Andi Eigenmann na isang aktres na kasama nito sa kanilang teleseryeng Minsan Lang Kita Iibigin kung sino talaga ang tunay na ama ng kanyang nasa sinapupunan?

NAKATAKDA NA RAW mag-recording ang Pilipinas Got Talent grand winner na si Marcelito Pomoy ng kanyang sariling record album under Star Records anytime soon.

Ilan sa mga kantang ire-record daw ni Marcelito ay duets, gaya ng Bakit Ngayon Ka Lang, Endless Love, at Tonight, I Celebrate My Love.

 

FINALLY, MAKALALABAS NA umano ng rehab ang aktor na si Baron Geisler sa katapusan nitong buwan ng July.

Halos anim na buwan din daw kasing kailangang mama-lagi ni Baron sa loob ng rehabi-litation center, dahil sa pagiging alcoholic.

Gayunpaman, pinapayagan naman diumano ng rehab center na makapagtrabaho pa rin paminsan-minsan ang aktor. Kasama si Baron sa pelikula ni Laguna Gov. ER Ejercito na Kingpin: The Asiong Salonga Story.

 

WILLING DAW MAG-ADOPT ng baby ang long-time partners na sina Tito Boy Abunda at Bong Quintana, ayon sa huli.

Naghihintay lang umano sila ng tamang panahon kung kailan ito ibibigay sa kanila ng Panginoong Diyos.

Inamin din sa amin ni Bong na kasalukuyang PAGCOR Entertainment Assistant VP na hindi naman kinakailangang umabot pa sa kasalan ang relasyon nila ng King of Talk. Ang mahalaga ay taos-puso silang nagmamahalan.

Abala muli si Bong at ang kanyang team sa panibagong proyekto nila na search for Miss Casino Filipino 2011 na bukas sa mga dalagang Pilipina, edad 18-25. Submission of entries is on July 29, 2011. Sa September 3, 2011 naman gaganapin ang coronation night. Visit their website, www.pagcor.ph, to download the application forms.

 

Makinig ng Wow! Ang Showbiz! with Ms. F as in Fernan de Guzman, Mimi, and yours truly over at DWIZ 882 KHZ on AM band, Monday-Friday, 11 AM-12 NN or log on to www.DWIZ882.com. Follow me on Twitter: @francissimeon.
Franz 2 U
by Francis Simeon