Vice Ganda, tinawag na ‘garapal’ ang DFA

ADVERTISING

Vice Ganda, tinawag na ‘garapal’ ang DFATinawag ni Vice Ganda na ‘garapal’ ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa kanyang tweet kahapon, Biyernes, February 5.

Hindi nga napigilan ni Vice Ganda na ilabas ang kanyang pagka-disgusto sa nasabing ahensiya ng gobyerno nang mag-post sa kanyang Twitter account ang Star Cinema AdProm manager na si Mico del Rosario ng litratong kuha sa DFA-Ali Mall.

ADVERTISING

Sabi ni @micodelrosario sa kanyang post, “Dear DFA ALI MALL, bakit po kayo nagpapalabas ng pirated copy ng A Second Chance dyan? Blatant na po talaga ang paglabag sa batas? Umm.. Government agency po kayo?”

Ni-retweet ito ni @vicegandako at sabay sabing, “This is DISGUSTING!!! Hoy DFA Ali Mall ang garapal nitong ahensya ng gobyerno na ito!!!”

Pero tila kumambiyo ang Phenomenal Box-Office Star sa pabirong hirit na: “Langya magpalabas ba ng pirated na A Second Chance e meron namang pirated na Beauty and the Bestie!!! Chozzzz! #NoToPiracy”

ADVERTISING

By Parazzi Boy

ADVERTISING