Vice Ganda, tambak ang trabaho

ADVERTISING

Vice Ganda, tambak ang trabaho

Vice Ganda
Vice Ganda

Naka-schedule pala ng 10 taping days si Vice Ganda sa aksyon serye na “FPJ’s Ang Probinsiyano”, kung saan special guest ni Coco Martin ang komedyante.

ADVERTISING

Vice Ganda plays the role of Ella na naka-encounter na ni Cardo sa serye.

Sa paglabas ng column item na ito, marahil may natitirang 4 taping days pa ang “Unkaboggable Box-Office Star”, lalo pa’t busy naman si Vice sa kanyang television work na bukod sa araw-araw na noontime show niyang “It’s Showtime” at ng Sunday night niyang “Gandang Gabi Vice”, nadagdagan pa ang workload ni VG with a new reality show para sa mga teenagers na gustong maging part ng mala-sing and danc group na One Direction na malapit na ring i-ere sa Kapamilya Network.

Ang pelikula niya with Coco na intetended sa MMFF 2016 ay after August pa sisimulan dahil may paniwala ang mga taga-showbiz na galing sa paniniwala ng mga Chinese na ang Agosto ay Ghost Month kaya walang negosyo or project ang nagbubukas or nagsisimula kapag saklaw ng buwang ito.

ADVERTISING

Ang biggest project ni Vice for this year ay ang isang malaking concert niya sa Aranetam na until now ay wala pa kaming nakukuhang detalye ukol dito.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING