Vice Ganda, tahimik lang sa mga paratang ni Nora Aunor

ADVERTISING

Vice Ganda, tahimik lang sa mga paratang ni Nora Aunor

Marami ang nagsasabi na tama lamang ang naging desisyon ni Vice Ganda na huwag nang patulan ang mga paratang ni Nora Aunor.

Vice Ganda, tahimik lang sa mga paratang ni Nora Aunor
Vice Ganda and Nora Aunor

Ito ay kaugnay ng imbitasyon sa Superstar na mag-guest sa “It’s Showtime” noong nakaraang Sabado (March 11) para maging isa mga hurado sa Grand Finals ng “Tawag ng Tanghalan”.

Tahasan ang akusasyon ni Nora kay Vice Ganda sa pagtangging maging bahagi ng Grand Finals ng “Tawag ng Tanghalan.

Aniya, “Hindi ako feel ng main host nila na si Vice Ganda. Baka bastusin lang ako nu’n, tulad ng pambabastos niya sa akin sa show niya. ‘Yung mga patutsada niya, parinig niya na alam ko, ako ang tinutukoy niya. Dahil minsan, ako mismo ang nakarinig, eh.”

ADVERTISING

Dahil sa hindi pagpatol ng “It’s Showtime” host sa akusasyon ng Superstar, marami naman ang humanga kay Vice Ganda na ang pagtahimik umano nito ay tanda ng paggalang at pagrespeto sa icon ng Philippine showbiz tulad nga ng nag-iisang Superstar.

Naniniwala rin ang kanyang supporters na hindi magagawa ng komedyante na bastusin si Nora sakaling mang itinuloy ng huli ang pag-guest sa noontime show ng ABS-CBN.

Marami rin ang nanghihinayang na hindi natuloy si Ate Guy na maghurado. Siyempre nga naman, isa sa original na naging produkto ng Tawag ng Tanghalan na nagkaroon ng pangalan, bukod kay Dulce.

Samantala, noong mismong araw na iyon, natuloy naming mag-guest si Ate Guy sa katapat na noontime show sa GMA na “Eat Bulaga”, kung saan naglaro pa siya sa game segment na “Jackpot En Poy”.

ADVERTISING