Vice Ganda, sunud-sunod ang nakalinyang projects bago matapos ang taon

ADVERTISING

Vice Ganda, sunud-sunod ang nakalinyang projects bago matapos ang taon

Vice Ganda
Vice Ganda

Niluluto na pala ang mga bagong project ni Vice Ganda.

Sa ngayon, regular nating napanonood ang komedyante sa noontime show na “It’s Showtime” at sa Sunday show niyang “Gandang Gabi Vice”.

Sa mga tagahanga at supporters ni Vice Ganda, niluluto ang isang malaking concert para sa “Unkabogable Star” sa September na gagawin sa Araneta Coliseum at ang isang TV show pa at isang pelikula na pinagmi-mitingan pa rin magpasa-hanggang ngayon kung sino ang final casts at kung tama ang balita na nakarating sa amin ay si Direk Cathy Garcia-Molina raw ang magdi-direk.

Kung maaalala pa, lagi-lagi, ang namayapa nang si Direk Wenn Deramas ang palagiang direktor ni Vice sa mga pelikula niya, na as expected ay palaging box-office ang result.

ADVERTISING

As of presstime sa balitang nakarating sa amin, tuloy ang tambalan nina Vice at Daniel Padilla para sa MMFF 2016.

‘Pag nagkataon, happy ang mga beki at mga fans ni Vice sa mga sunud-sunod na updates at projects ng komedyante.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING