Vice Ganda, sports lang sa kasikatan ng AlDub

ADVERTISING

Vice Ganda, sports lang sa kasikatan ng AlDub

Vice-GandaANG AKALA siguro ng marami ay hindi carry ni Vice Ganda na banggitin ang Aldub nang live sa It’s Showtime!.

ADVERTISING

Marami siyang ginulat sa audience when in one episode ay buong ningning niyang binanggit ang AlDub. Naghiyawan ang mga tao sa audience, talagang naloka sila sa tapang ng standup comedian.

Actually, approve na approve sa mga tao sa social media ang ginawang iyon ni Vice. Hindi siya nalait, hindi siya na-bash sa kanyang ginawang iyon.

“It’s cute. No hard feelings or competitions na makikita, at least alam din nila ang Aldub na malakas,” say ng isang fan.

ADVERTISING

Bagay na inayunan naman ng isa pang fan who said, “Napanood ko to. Ang cute lang. Infair kay vice ang sport nya para gawin nya yan live ah.”

‘Yan si Vice. Alam niyang matindi ang competition na idinudulot ng AlDub but he did not think twice in mentioning it live on his noontime show. It only shows na sports siya.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING