Vice Ganda, sinabing bakla si Enchong Dee

ADVERTISING

Vice Ganda, sinabing bakla si Enchong Dee

Enchong-Dee-Vice-GandaHANGGANG NGAYON hindi mamatay-matay ang tsismis na bading si Enchong Dee. Maging si Vice Ganda ay nagduda rin pala sa gender ng una dahil sa malambot itong kumilos.

“Personally, pinagdudahan ko rin ang pagkatao ni Enchong. Minsan sa buhay ko, sinabi ko, “Bakla itong si Enchong.” Lambot kumilos, effeminate,” say ni Vice nang maging guest co-host ni Toni Gonzaga sa The Buzz last Sunday dahil wala si Kris Aquino at Boy Abunda.

Pero may pahabol naman si Vice na hindi naman daw lahat ng effeminate ay bading na the same way na hindi lahat ng matigas na lalaki ay totoong lalaki.

“Hindi naman kapag nakabestida, totoong babae. May nakabestidang tomboy,”say pa ni Vice.

ADVERTISING

Para mawala raw ang pagdududa ni Vice ay may pinagtanungan siyang close kay Enchong tungkol sa tunay na gender ng actor.

“May nakausap akong tao na napakalapit sa kanya na makapagsasabi talaga kung ano si Enchog. Tinanong ko, “Bakla ba si Enchong?” Hindi raw. Oh, eh, ‘di tanggapin ko sarili ko na hindi. Bakit ko ipipilit sa sarili kong bakla kung hindi? Wala namang magagawa sa buhay ko ‘yan,” say ni Vice.

Payo niya sa mga basher ni Enchong, itigil na raw ang panlalait at pagdududa sa actor.

“Bakit ba ipinipilit ninyo na bakla si Enchong? Unang-una, kung bakla, ano naman? May magagawa ba kayo? May problema ba kayo sa bakla? Kung sinabi niyang hindi bakla. Bakit hindi ninyo pa rin matanggap.

“Get a life. Sinabi niyang hindi siya bakla, wala na tayong magagawa. Paniwalaan natin,” say pa ni Vice.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING