Vice Ganda, si John Lloyd Cruz ang leading man sa pelikulang ididirek ni Cathy Garcia-Molina

Vice Ganda, si John Lloyd Cruz ang leading man sa pelikulang ididirek ni Cathy Garcia-Molina

Vice Ganda, John Lloyd Cruz & Direk Cathy Garcia-Molina
Vice Ganda, John Lloyd Cruz & Direk Cathy Garcia-Molina

Masuwerte si Vice Ganda at si Cathy Garcia- Molina ang magiging director niya at si John Lloyd Cruz ang kanyang leading man sa bago pelikulang gagawin nito sa Star Cinema at Viva Films. Box-office success ang pelikula ni Direk Cathy at Lloydie ang “Just The 3 Of Us” with Jennylyn Mercado.

Romantic-comedy ang pelikulang gagawin nina Lloydie, Vice Ganda, at Direk Cathy na kilala bilang Rom-com Queen. Nabuo raw ang movie project nina Vice, John Lloyd, at Direk Cathy Garcia-Molina nang mag-promote sila sa TV show ng singer/comedian.

Nang pumanaw si Direk Wenn V. Deramas, parang gumuho ang mundo ni Vice. Para sa kanya, walang puwedeng pumantay sa galing at husay ng box-office director/ writer/ actor sa pagiging comedy director.

Highly recommended ni Wenn si Cris Martinez  para maging director ni Vice Ganda nu’ng nabubuhay pa ito. Nang tanungin ang buong production staff ng batikang director nu’ng burol nito, para sa kanila, mas  gusto nila si Joyce Bernal dahil may chemistry raw ang dalawa at nagdirek na rin ito ng comedy with Eugene Domingo. Masasakyan daw ni Binibining Joyce ang mga kalokahan ng magaling na comedian.

Hindi naging madali para kay Vice Ganda na humanap ng kapalit ni Wenn. Siyempre, kailangang box-office ang mga pelikula ginawa na nito as a director. Timing naman at nag-krus ang landas nina Vice at Direk Cathy. Sa totoo lang, pumapangalawa ang pelikula ni Direk Cathy sa pinakamalakas sa takilya.

Nakae-excite ang tandem nina Lloydie at Vice, ngayon pa lang ay sinisiguro ni Direk Cathy na riot sa katatawanan ang mga eksena ng dalawa. Game naman daw ang dramatic actor sa mga eksenang ipagagawa sa kanya ng magaling na director. Inihahanda na ng Star Cinema ang story ng pelikula na iikot sa dalawang bida. Kailangan lang daw maging maayos ang takbo ng istorya na aangkop sa character nina John Lloyd at Vice Ganda.

Ayon kay Vice, gusto muna niyang mag-“MMK” with John Lloyd. Kung mapagbibigyan ang kanyang request, magda-drama siya sa episode na gagawin nito with Madam Charo Santos bago simulan ang bago nilang pelikula. Willing namansi JLC na mag-guest sa “MMK” with box-office star na si Vice Ganda.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield