Vice Ganda, reyna pa rin ng MMFF

ADVERTISING

Vice Ganda, reyna pa rin ng MMFF

1Vice-Ganda1Naka-more than P300 million na ang “Beauty And The Bestie” ni Vice Ganda making it the top-grosser sa nakaraang MMFF.

ADVERTISING

Although hindi pa naman ito official, talagang pinatunayan ni Vice na hindi siya basta-basta puwedeng kabugin when it comes to MMFF, na siya pa rin ang reyna while others are just pretenders to the throne.

Nakatulong ang magandang reviews na aming nabasa sa social media. Nagkakaisa ang lahat na from beginning to end ay nakakatawa ang movie.

“Isa sa nakakabilib dito sa #BeautyAndTheBestie is yung action sequence at car stunts. Inferness may budget. Bonnga ang production.”

ADVERTISING

“Magaling! Maganda! Nakakatawa! Dapat pala nung opening pa ako nanood. #BeautyAndTheBestieDay6.”

“Watched Beauty and the Bestie for the 2nd time around with my friends this time. Tawang tawa parin!”

“Punchlines/comedy are the strength of the movie!!”

‘Yung isang entry ay puro nega ang review. Parang pinalalabas ng reviewers na wala itong saysay, walang kuwenta, in short basura.

Anyway, super happy si Vice dahil nakasabay niya sa airport sa Dubai ang tennis superstar na si Roger Federer. Vice posted on his Instagram account his photo with Roger Federer with this caption, “Zoooowwwmmmmaaaaaayyyygggaaaahhddd! Bumped into ROGER FEDERER in Dubai airport. Ang bongga namang pa-first day of the year nito! #kiligmuch #GrabeSyaO.

Nagbakasyon si Vice Ganda sa Dubai kasama ang kanyang family and close friends. Nilibot nila ang popular spots sa nasabing bansa including Miracle Garden at Burj Al Arab Hotel.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING