Vice Ganda, rated PG 13 ang concert sa Araneta

Vice Ganda, rated PG 13 ang concert sa Araneta

Vice-GandaSA MAY 22 na ang pinakahihitay na concert ni Vice Ganda na may titulong “Vice Gandang-Ganda sa Sarili sa Araneta, E ‘Di Wow!”. Ang haba, ‘di ba?

Pero marami ang nalokah, dahil nga PG 13 nga raw ang puwedeng manood. Ibig sabihin, may kakaibang pasabog ang “Phenomenal Star” ng ABS-CBN.

Tatlong artista na ang napag-alaman ng inyong lingkod na magiging guest ni Vice. Sila ay sina Vhong Navarro, Billy Crawford, at James Reid.

Bakit wala si Daniel Padilla? “Naging guest ko na siya. Iba naman,” sey niya.

May movie naman sila ng Teen King at sa December ito ipalalabas.

Si Coco Martin naman ay malapit na silang mag-shooting after ng kanyang concert.

Kung ganoon, bagong tambalan.

by Fernan de Guzman
Fer ‘Yan Ha?!