Vice Ganda, puring-puri ni Joey de Leon! – Ogie Diaz

ADVERTISING

Vice Ganda, puring-puri ni Joey de Leon! - Ogie DiazVice Ganda, puring-puri ni Joey de Leon! - Ogie DiazMALAPIT NA ANG Pasko. Ilang tulog na lang, sabi nga ng mga bata. Pero ba’t gano’n? Parang hindi pa ramdam, ‘no? Aba, eh, 14 days na lang, pero kokonti ang nariringgan namin ng mga Christmas songs. Kahit nga sa radyo, eh.

Totoo ba ang tsika na Santa Claus is not really coming to town? Hahaha! Juice ko, ang mga Pinoy pa. Gagawa at gagawa ng paraan ‘yan para lang mairaos ang Pasko, ‘no!

Magma-magic at magma-magic ang mga Pinoy para lang maging masaya ang Pasko.

HONESTLY, KAMI NGAYON, wa na kami expect kung maggi-give love on Christmas day ang mga artista o hindi. Alam naming hirap ang buhay ngayon. Kung merong i-give love, thank you. Kung wala, hindi kailangang magtampo porke hindi ka naalala.

Maalala kang i-text ng Merry Christmas, maging happy na tayo, ‘di ba?

ADVERTISING

SI LUI VILLARUZ, kilala n’yo? Siya ‘yung segment producer for how many years sa Umagang Kay Ganda, kasama namin.  Sabi niya, nami-miss niya ang morning show. Kami naman, honestly, kahit seven years din kami sa morning show, hindi naman masyado naming nami-miss.

Siguro nga, gawa ng busy-bisihan din kami. Saka ang sa amin, nawala man ang Umagang Kay Ganda, naniniwala kaming laging May Bukas Pa, he-he-he!

Si Lui, ang pinagkakaabalahan ngayon ay ang pagdidirek ng commercial. Ipinagmamalaki niyang siya ang nagdirek ng commercial na gatas nina Carmina Villarroel, Claudine Barretto at Jodi Sta. Maria-Lacson.

“Pagkatapos no’n, huminto na muna ‘ko. Kasi, napapanot ‘yung bigote ko sa tindi ng stress, ng pressure. Hindi ko pala kaya. Tumatanda na ang lolo mo. Pero next year, kahit apat na commercials sa isang taon, solved na ‘ko.”

Nag-birthday si Lui kahapon and dahil hindi naman siya mahilig mag-celebrate, I’m sure, ka-join lang niya ang dyowang si Angel Aquino na nagpa-laser ng mata.

Me gano’ng factor?

NAGKAUSAP PALA SINA Vice Ganda at Joey de Leon recently. Sobrang gustong matunaw ni Vice Ganda, dahil puring-puri siya ng beteranong komedyante sa kanyang mga “kagagahan” sa Showtime.

Naikuwento ni Joey na pinag-uusapan nila ni Allan K si Vice na sobrang nakakatawa raw sa kanyang pagdya-judge sa Showtime.

“Nilamon” na nga ng Showtime sa ratings ang Sis nina Janice de Belen, Gelli de Belen at Carmina.

‘Wag n’yong kalilimutang makinig palagi sa “Wow! Ang Showbiiiz!” sa dwiz 882 sa inyong AM station at maririnig din sa www.dwiz882.com, 11-12nn.

Oh My G!
by Ogie Diaz

ADVERTISING