Vice Ganda, plastic ‘pag ‘di inaming nasaktan siya sa mga intriga

ADVERTISING

Vice Ganda, plastic ‘pag ‘di inaming nasaktan siya sa mga intriga

Vice-GandaBawing-bawi na si Vice Ganda sa inabot niyang mga intriga bago maganap ang katatapos na Metro Manila Film Festival. Habang sini-shooting pa kasi ang blockbuster niyang pelikulang “Beauty And The Bestie” ng Star Cinema ay parang binaril ng kontrobersiya ang pambatong host ng “It’s Showtime!” ng ABS-CBN. Nawindang din siya kung bakit ang pag-ariba ng AlDub na parte ng programang “Eat Bulaga!” ng GMA ay ibinangga na rin sa kanya.

ADVERTISING

Plastik naman si Vice Ganda kung hindi niya aamining nasaktan din siya sa mga nangyari. Pero noon ay itinutok lang niya ang kanyang panahon sa shooting ng movie nila ni Coco Martin. Parang nakatutok sa kanya noon ang lahat ng galit at pang-iintriga ng mga tao sa showbiz na hindi niya malaman kung saan talaga nanggagaling. Basta sa pagkawindang niya, positibo lang niyang inisip na mayroon sigurong magandang kapalit ang mga nangyayari sa kanya.

Hayan na nga! Tumabo sa takilya ang movie nila ni Coco Martin. Para na siyang nabunutan ng tinik. Sobrang happy na siya ngayon. Tuloy pa rin ang buhay, dahil napakarami niyang trabahong dapat na harapin.  Ngayong bawing-bawi na siya, alam na alam niya rin kung sino talaga sa loob at labas ng showbiz ang mga tunay niyang kaibigan na hindi tumalikod sa kanya nu’ng mga panahong ipinupukol na sa kanya ang masakit na salitang “laos” at “mayabang”, at iba pang negatibong ugali. May laos nga ba namang artista na blockbuster sa takilya ang pelikula?

ChorBA!
by Melchor Bautista

ADVERTISING
ADVERTISING