Vice Ganda, pinupulitika ang concert sa Cebu?

ADVERTISING

Vice Ganda, pinupulitika ang concert sa Cebu?

Vice-GandaKALOKAH ANG nangyaring pagbabaklas ng billboard ng Phenominal star na si Vice Ganda para sa Cebu City. May magaganap na concert si Vice sa Cebu sa darating July 19. Pero dahil nga may isang nagreklamo ay nagdesisyon ang City Administrator na ipabaklas ang said billboard.

ADVERTISING

Two weeks na raw palang nakatayo ang billboard, pero ngayon lang daw umaksyon dahil daw sa sexually suggestive ang itinuturong dahilan.

Ang nakakalokah lang, bakit dito Manila ay napayagan ang larawan na ‘yun na nakasuot ng red gown si Vice at kasama ang mga lalaking nakahubad pang-itaas lang naman. Pero sabi nga, iba-iba ang ugali ng tao.

Iba talaga ang Vice Ganda, superstar na talaga ang level. Ano ito inggit? May naiinggit na naman ba kay Vice?

ADVERTISING

E, ‘di ba may approval muna ‘yan na bago itayo? Bakit after naitayo, tapos babawiin?Kalokah, ‘di ba?

Hay… ‘di ba nila alam na mas lalong pag-uusapan ang show niyang Vice Gandang Ganda sa Sarili sa Cebu, E ‘Di Wow..

Sana ‘di ito isang malaking pulitika. ‘Yun na!

by Fernan de Guzman
Fer ‘Yan Ha?!

ADVERTISING