Vice Ganda, pinuno ang Araneta; pinatunayang siya pa rin ang Phenomenal Star

Vice Ganda, pinuno ang Araneta; pinatunayang siya pa rin ang Phenomenal Star

Vice-GandaNAPUNO NI Vice Ganda ang  Araneta Coliseum, proving to all and sundry that he is still the Phenomenal Star.

Kabog kung kabog ang mala-diyosang costumes ni Vice. Even his parang horse-drawn carriage na super laki ay pangabog din.

Naghiyawan ang fans nang magpaseksi si James Reid. Pina-sight niya ang kanyang abs sa kanyang outfit. Nilandi-landi naman ni Vice Ganda sina Vhong Navarro and Billy Crawford. Part ng batuhan nila ng joke ang pagtestigo ni Vice sa kaso ni Vhong. Hiyawan ang mga tao. Pati ang kaso ni Billy ay hindi rin pinalagpas ni Vice.

Easily, it was Vice’s most decent concert. Walang masyadong green jokes or political jokes. Hindi rin niya pinaglaruan ang kilalang personalities.

The show is about beauty and Vice drove home his point by using two male dancers, ‘yung isa pogi, ‘yung isa naman ay hunky. From their looks, doon niya ipinaliwanag ang double standard ng mga tao sa guwapo at hindi guwapo.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas