Vice Ganda, pinakabagong leading lady ni John Lloyd Cruz

ADVERTISING

Vice Ganda, pinakabagong leading lady ni John Lloyd Cruz

Vice Ganda and John Lloyd Cruz
Vice Ganda and John Lloyd Cruz

Swak sa takilya ang pelikula ng Unkabogable Star na si Vice Ganda at ni Coco Martin na “The Super Parental Guardians”.

ADVERTISING

Ang dati-rating nakagawian naming manood during first day of showing ng isang pelikula, nasira sa pelikula ni VG, dahil isang linggo na ay hindi ko pa rin napanonood ang kanilang maagang Pamasko.

Pero wonder of all wonders, super hit ang pelikula nila na as of this writing ay umabot na nang almost P300 million ang gross sales sa takilya.

Kaya nga blessing in disguise for Vice kung hindi man nakasama sa Magic 8 ang pelikula nila na intended talaga for the MMFF sa December.     

ADVERTISING

Kahit pagod sa trabaho at araw-araw nagsi-show for “It’s Showtime” tuwing tanghali at ang weekly celebrity talkshow niya na “Gandang Gabi Vice”, ratsada siya para matapos ang pelikula.

Pero nang makarating sa kanya na hindi napili ang pelikula nila ni Coco dahil sa bagong pamantayan ng MMFF committee, aminado ang beks na nag-iiyak siya.

Nagkulong sa kanyang kuwarto na kung hindi pa pumunta ang manager niyang si Deo Edrinal sa bahay niya para kausapin siya, hindi pa siya siguro lalabas.

Excited si VG sa planong pagsasama nila ni John Lloyd Cruz sa isang project na ididirek ni Cathy Garcia-Molina.

Kuwento ni Vice, “Nag-usap na kami ni Lloydie. Pinapunta niya ako sa bahay niya sa Antipolo. Nag-brainstorming na kami,” sabi niya.

Wala pang masyadong detalye sa project ng dalawa. Pero tila kuwentong love story ang peg.

Exciting ito ‘pag nagkataon.

Yes, excited pa rin si Vice at inaabangan pa rin niya ang susunod nilang pelikula ni Coco.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING