Vice Ganda, pinaalalahanan ng management na may limitasyon ang pagbibiro sa isyu ni Vhong Navarro

ADVERTISING

Vice Ganda, pinaalalahanan ng management na may limitasyon ang pagbibiro sa isyu ni Vhong  Navarro

Vice-GandaNAG-TRENDING ANG pagbibiro ni Vice Ganda sa sitwasyon ngayon ni Vhong Navarro sa ‘I Am Pogay’ segment ng Showtime. Napag-usapan kasi sa question and answer portion ang tungkol sa safety nang ikonekta ang hawla sa buhay.

Dito ay nagsalita si Vice na dapat nagdala ng hawla si Vhong  na kung naisip nila ‘di sana napahamak ang kaibigan. ‘Di naman nakapg-react ang mga kapwa niya co-host gaya ni Anne Curtis sa naging pagbibiro na ito ng komedyante.

Agad naming tinanong si Vice tungkol sa nangyari at ipinaliwang naman ng TV host/comedian na may permiso naman pala si Vhong Navarro sa naging pagbibiro niya dahil nga sa mga nakalipas na linggo ay naging sobrang bigat para sa lahat ang nangyari rito. May paalala lang ang management na huwag siyang lalagpas sa limitasyon dahil kontrobersyal at senstibo ng isyu.

Ngayong Pebrero pala, pansamantalang mawawala sa It’s Showtime si Vice Ganda dahil may series of shows siya sa America, kung saan magiging special guest niya si Ejay Falcon. May ilang isyu na lumalabas na nag-uugnay sa kanila sa ngayon ng aktor, natawa na lang sa balita si Vice dahil wala itong katotohanan.

ADVERTISING

Aminadong crush niya noon si Ejay, pero nu’ng maging magkaibigan na sila ay nawala na ang paghanga niya rito na lagi raw nangyayari ‘pag naging kaibigan na niya ang isang lalaki.

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

ADVERTISING