Vice Ganda, peke ang dating ng pagiging matulungin

Vice-GandaDRASTIC ANG pagbabago ni Vice Ganda, ha? Now, bigla siyang naging charitable. Iba na ang kanyang drama, parang bigla siyang naging matulungin na hindi naman niya dating ginagawa.

May isang girl na humingi sa kanya ng advice tungkol sa kanyang pag-aaral. Apparently, pinapaaral ang dalaga ng mga magulang ng kanyang boyfriend. Nahihiya na siya sa paghingi niya ng baon at mga bayarin sa klase kaya naman humingi siya ng advice kay Vice. Biglang naging generous ang stand-up comedian at sinabing sasagutin na niya ang pag-aaral ng dalaga.

Meron pa kaming napanood na video kung saan nakasakay sa taxi si Vice. Chika siya nang chika sa taxi driver. Later, nang pababa na siya, binayaran niya ng P3,000 ang driver para na rin daw sa kanyang boundary.

Yes, ganyan na ngayon ka-generous si Vice. Parang ang dating tuloy, FAKE!!! Bakit FAKE? Kasi ang daming sasakyan ni Vice, so paanong mangangailangan siyang sumakay ng taxi? Doesn’t make sense, ha?!

We have not heard stories of Vice Ganda’s generosity in the past kaya naman parang kaduda-duda ang kanyang kabaitan ngayon, ha? Ang hula ng marami, isa lang itong gimik para maging maganda ang image ni Vice sa mga manonood.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

Previous articleJM de Guzman, ‘di na raw sasayangin ang pagkakataong makabalik sa showbiz
Next articleJames Reid, ibang babae ang ka-date sa concert ni Ariana Grande

No posts to display