Vice Ganda, paulit-ulit na masasaktan

ADVERTISING

Vice Ganda, paulit-ulit na masasaktan

Vice-GandaMALULUNGKOT AT masasaktan lang din si Vice Ganda kung paulit-ulit na mangyayari na kapag mayroon siyang mga minahal na nakarelasyong lalaki ay itatatwa ang tungkol sa kanilang naging relasyon. Kahit sikat na sikat si Vice sa showbiz bilang TV host ng It’s Showtime! at Gandang-Gabi, Vice ng ABS-CBN at laging patok sa takilya ang mga pinagbibidahan niyang pelikula, alam niya sa kanyang sarili na may lungkot talaga minsan kapag nagmahal ang mga beki sa mundong ito.

Masaya si Vice sa takbo ng kanyang buhay ngayon, lalo na sa pinansiyal, dahil kumikita na nga siya ng milyun-milyon, kaya maraming parte ng kanyang buhay ang naaayos. Pero bilang normal na tao na marunong magmahal, lagi pa ring may kaba si Vice kapag siya ay nai-in love. Kaya sa panahong nasa loob siya ng isang relasyon, hinahayaan lang niya ang kanyang sarili na maging masaya at maligaya, kung paanong kinakaya rin niyang maging malungkot.

Ang dami-dami namang mga lalakI ngayon na nagpapapansin kay Vice para bigyan niya ng panahon. Ipinaparamdam naman niya lagi sa publiko kapag makulay na naman ang kanyang lovelife. Pero ang maganda kay Vice, kapag nakipagrelasyon siya, nagtitira siya ng respeto sa lalaking mahal niya kung ayaw ng guy na ibuking sa showbiz ang kanyang identity. Nauunawaan iyon ni Vice, kaya maraming lalaki ang gustong lumapit at mahalin ang sikat na komedyante.

ChorBA!
by Melchor Bautista

ADVERTISING
ADVERTISING