Vice Ganda, pahinga ang regalo sa sarili ngayong Pasko

Vice Ganda, pahinga ang regalo sa sarili ngayong Pasko

Vice-GandaNAPAKASUWERTE NI Vice Ganda bilang artista, dahil para siyang si Marian Rivera, na kung anu-anong intriga at paninira na ang ipinukol ng showbiz para lumaglag ang career, pero hayun pa rin sila at hindi natitinag. Kasi nga, marunong silang mag-ingat sa kanilang propesyon. Hindi na mabilang ni VG kung ilang ulit na siyang inilampaso ng mga kontrobersiya, pero deadma lang siya, dahil ang katuwiran niya ay lilipas din iyon.

Napakasipag ni Vice magtrabaho bilang artista. Sa totoo lang, nakapag-ipon na siya ng pera mula sa kanyang kinikita sa showbiz, at puwede na rin muna siyang magpahinga. Kaya lang, mahal niya talaga ang kanyang career, dahil ang tagal din naman niyang hinintay ang pagkakataon na sumikat siya. Ngayong nasa kanya na ang lahat ng karapatan para mapangalagaan ang kanyang sarili ay ginagawa naman niya. Kaya nga, medyo hinay-hinay muna siya ngayon, dahil nagkakasakit na siya.

Nararamdaman ni Vice ‘yung pahinga na kailangan niyang iregalo para sa kanyang sarili ngayong darating na Kapaskuhan, at sa darating pang ilang buwan. Pero ang dami pa niyang kailangang tapusing trabaho sa papasok na taon.  Bago tuluyang magpagamot si Vice tungkol sa kanyang lalamunan ay natapos na niya ang pelikulang The Amazing Praybeyt Benjamin ng Star Cinema na kasali sa darating na Metro Manila Film Festival.

ChorBA!
by Melchor Bautista