Vice Ganda, normal lang daw na malungkot sa pagkalaglag ng pelikula sa 2016 MMFF

ADVERTISING

Vice Ganda, normal lang daw na malungkot sa pagkalaglag ng pelikula sa 2016 MMFF

Vice Ganda
Vice Ganda

Ang isa pang nalungkot sa hindi pagkakapasok sa 2016 Metro Manila Film Festival ng movie niyang “The Super Parental Guardians” kasama si Coco Martin at ang breakthrough young actors na sina Onyok Pineda at Awra Briguela ay si Vice Ganda.

“Na-sad. Pero normal ang ma-sad kasi ‘yun naman ang intention namin, ang sumali sa festival. Pero ready kasi kami. ‘Yung kami at saka ‘yung Star Cinema, ready kami kung ano ang gagawin namin kung hindi kami masasama sa filmfest kaya hindi kami taranta. Nakalatag kaming lahat, ready kami,” chika ni Vice.

“Una sad, noong nasa ‘Showtime’ ako. Slight, natawa, kasi si Vhong (Navarro) din (ay nalaglag). So, dalawa kami. Nag-usap kaming dalawa. ‘Siguro kung ikaw lang ang nalaglag, sabi ko kay Vhong, ang sakit sa ‘yo. Ako rin, kung ako lang ang nalaglag, ang sakit sa akin. Pero dahil dalawa tayo (na hindi nakapasok sa MMFF) ay hindi masyadong masakit,” dagdag pa niyang kuwento.

Napanood namin ang trailer ng movie at talagang kuwela ang mga eksena ng apat na bida. Magaling palang magdirek ng comedy si Bb. Joyce Bernal.

ADVERTISING

Anyway, showing na sa November 30 ang movie nina Vice at Coco.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING