Vice Ganda, never naimpluwensiyahan ni Kris Aquino ang desisyon

Vice Ganda, never naimpluwensiyahan ni Kris Aquino ang desisyon

Kris-Aquino-Vice-GandaNAGBIGAY NG advice kay Kris Aquino si Vice Ganda pagdating sa usaping lovelife. But it’s up to Kris daw kung susundin niya ito.

“Ang sabi ko sa kanya noon pa, ‘may edad ka na, kung ano ‘yung makapagpapasaya sa ‘yo ngayon, dahil hindi mo alam kung hanggang kailan ang buhay natin, don’t miss the opportunity. Ang dami mo na rin namang isinacrifice sa buhay, ‘di ba? If it’s worth sacrificing again, go!’”

Sa palagay ba niya ay worth si Herbert Bautista para sa kaibigan?

“Only she can tell,” sagot agad niya.

“Kasi ‘di ba, kung pakikinggan mo ang opinyon ng ibang tao, eh, ikaw rin naman ang nabagot? Ikaw rin naman ang natulog mag-isa. Tatabihan ka ba niyang mga taong ‘yan kapag nalulungkot ka? Hindi naman, ‘di ba?” hirit pa niya na tama rin naman talaga.

Eh, ano naman ang masasabi niya na malaking impluwensiya raw si Kris pagdating sa kanyang decision-making?

“Alam din niyang ganu’n ang iniisip ng tao sa kanya, eh. Na iniimpluwensyahan niya ako, pero never talaga. Knowing me, hindi rin naman ako… may sarili rin naman akong desisyon sa buhay,” paglilinaw pa niya.

La Boka
by Leo Bukas