Vice Ganda, nakaiinsulto na ang komento?! – Tita Swarding

Vice Ganda, nakaiinsulto na ang komento?! - Tita Swarding

Vice Ganda, nakaiinsulto na ang komento?! - Tita SwardingOLA CHIKA! MARAMI ang nag-e-mail at nagpadala ng kanilang mensahe sa akin, at ‘yung iba ay sa aking Facebook. Nalerke ang beauty ko! Dahil halos mga ina ng tahanan ang nagpadala, huh! Ina daw ng tahanan, o! Hahaha! Hindi raw umano nila nagugustuhan ang ilang komento ng judge sa Showtime! na si Vice Ganda.

Kaya habang binabasa ko ang ilang message, aking napagtanto at napanansin, at ‘yung iba ay aking pinanood sa You Tube na may mga comment nga ang magaling na komedyante na rin magandang pakinggan. Napapansin kasi ng karamihan na kung anuman ang ginagawa nito sa comedy bar ay hindi rin daw dapat na ginagawa nito sa telebisyon.

Tila nakaiinsulto at nakasasakit ng damdamin ng mga tao ang ilang binibitiwang salita ni Vice Ganda, na gaya nga ng ginagawa nito sa mga bar na pinagtatrabahuhan.

‘Di ba may kasabihan na kung ano ang nakikita sa matatanda, siyang ginagaya ng mga bata, huh! Kaya ngayon na malakas ang impluwensiya ng telebisyon, dapat pag-isipan din niyang maigi bago siya magbitaw ng salita o magkomento.

Dahil maraming nanonood na mga bata, hindi lang matatanda sa kanilang show.

Ito ay payo lang kapatid. Kung para sa iyo ay nakapagbibigay kay ng saya, sa iba naman ay nakasasakit ka na. Okey lang ‘yung ibang mga joke mo, pero minsan ay hindi na maganda.

HALOS LAHAT NG himpilan ng telebisyon ay tinatawagan ang beauty ko, dahil sa aking naisulat dito sa Pinoy Parazzi na si Krista Ranillo ay nasa bansa na, huh! Yes, trulily mga kafatid! Nakipag-hide and seek nga ang beauty ng anak ni Mat Ranillo III na si Krista ngayon sa mga press.

Sa aking naisulat dito tungkol kay Krista, nakita nga ng aking parazzi girl at mismong ikinuwento na halos sabay na dumating sa bansa ang Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao at sinasabing Pambansang K na si Krista. Hahaha! Iba lang ang sinakyang eroplano ni Krista kung saan nalusutan nito ang ilang press na nakaabang sa airport.

Hanggang ngayon, hindi pa rin nahihingan ng pahayag ang sexy actress tungkol sa isyu nila ni Manny. Tikom din ang bibig ng kampo nito, at hindi pa rin nagpapakita sa publiko si Krista. Nakita pa nga raw umano ng aking parazzi girl si Krista sa mismong probinsiya nito, huh! Naku, ha? Kaloka! ‘Yun na!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding